FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Tuesday, June 30, 2020

‘Hard lockdown’ iniutos sa 4 na purok sa Delabayan, Kauswagan

NITONG PINAKAHULING   pangkat o batch ng nagsidatingan na locally stranded individuals (LSI), anim katao ang nag positibo sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).   


Ang mga nasabing LSI na nagmula sa Cebu at Metro Manila ay dumaan sa prosesong itinakda ng probinsya na may patnubay ng mga health experts ng local government units (LGU) at Department of Health (DOH). 

Sa bulto ng nagsipag-datingan na LSI, minabuti ng mga tagapagpamahala na manatili sila sa kanya-kanyang isolation facilities ng mga barangay sa bawat bayan sa lalawigan. 

Naunang nagpositibo ang anim sa rapid testing na isinagawa ng Provincial Health Office at nagpositibo rin ang mga ito sa swab testing. Agad silang dinala sa Provincial Isolation Facility sa bayan ng Kapatagan. Samantala, tatlo pang indibidwal ang kasalukuyang naghihintay ng swab test result. Ang anim na positibong ito ay pawang asymptomatic at may mga malalakas ang pangangatawan. 

Kasunod nito, agad na ipinatawag ni municipal mayor Rommel Arnado sa isang emergency meeting kahapon ang mga barangay kapitan, municipal health office, ang kapulisan, DepED at iba pang stakeholders na kasapi ng anti-COVID-19 local task force. 

Inanunsyo ng alkalde na hihigpitan ang galaw ng lahat ng government employees at pinagbawalang pumunta sa Delabayan. Inirekomenda ng alkalde ang ‘hard lockdown’ na di bababa sa 14 na araw para sa apat na purok Delabayan. 

Layunin ng aksiyon na ito na mapigilan ang pagkalat ng sakit. Ayon sa alkalde, tututukan at paglalaanan ng mabuti ang hakbang na ito gaya ng pag provide ng PPEs sa lahat ng nagbabantay at iba pang frontliners at humingi na rin ng karagdagang personel mula sa PNP para sa ‘round-the-clock duty’ sa loob ng 14 na araw. 

Paulit-ulit na tiniyak ni Arnado at pinaalalahanan ang mga opisyal na sa ‘hard lockdown,’ walang papapasukin at palalabasin sa apat na purok sa Delabayan. 

Sa isang opisyal na pahayag, nanawagan si Arnado na maging mahinanon ang lahat at hinihingi nito ang kooperasyon ng lahat. “Naghimo kita ug desisyon nga ibutang sa ‘hard lockdown’ ang upat ka purok sa barangay Delabayan isip safety measure. Ang Purok 3, 4, 5, ug 6 ang mga apektadong lugar sa atong lockdown."

(Gumawa tayo ng desisyon na ilagay sa 'hard lockdown' ang apat na purok sa barangay Delabayan bilang safety measure. Ang Purok 3, 4, 5, at 6 ang mga apektadong lugar sa ating lockdown.)

Dagdag pa ni Arnado, walang dapat ikabahala ang mamamayan dahil ang anim na LSI ay naka isolate ngayon sa provincial isolation facility sa Kapatagan, Lanao del Norte at dumaan sila sa tamang proseso ng Provincial Health Office at Department of Health.

Samantala, iniutos din ni Arnado ang agarang rapid testing sa lahat ng nakasalamuha ng mga positibo sa COVID-19 upang ma control ang pagkalat nito. 

Isasama rin ang mga BPAT bilang karagdagang bantay at kaagapay ng PNP sa mga itatalagang checkpoints. 

Ayun kay Arnado, ang lahat ng LSI ay dadalhin na sa isolation facility at wala nang home quarantine para sa mga ito, upang masubaybayan ang lahat ng nagsiuwian mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. (LGU Kauswagan)

Caption:
Pinangunahan ng Chief Executive ang pagpapatupad ng "hard lockdown" sa apat na purok ng Barangay Delabayan sa bayan ng Kauswagan. Sinigurado mismo ni Mayor Rommel Arnado na maayos ang pwesto ng lahat ng checkpoints sa lahat ng entry points ng barangay.(LGU Kauswagan)

Kinausap ni Mayor Rommel Arnado ang nakatalagang PNP personnel sa isa sa mga checkpoints at sinigurado nito na mayroong sapat na kasamahan at ka relyebo ang mga ito.(By LGU Kauswagan) 


No comments:

Post a Comment