FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, March 26, 2021

Alamin Kung Sino Ang Maaaring Mabakunahan: DOH

'Basahin at ng maunawaan maigi'

HINDI MAAARI KUNG: 

May edad na mas mababa sa 18 taong gulang

May allergy sa polysorbate, polyethylene glycol / PEG, o iba pang sangkap ng bakuna

May malubhang allergy matapos tumanggap ng unang dose ng bakuna

IPAGPALIBAN MUNA KUNG:

May alinman sa mga sumusunod na sintomas: lagnat / panginginig dahil sa lamig, sakit ng ulo, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, panghihina, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, rashes

May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw

Dating ginamot para sa COVID-19 sa nakaraang 90 na araw

Ginamot o nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw

Mga buntis na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis 

Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw

KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR KUNG:

May autoimmune disease

Na-diagnose na may Human Immunodeficiency Virus (HIV)

Na-diagnose na may kanser

Sumailalim sa organ transplant

Kasalukuyang umiinom ng steroids2

Nakaratay na lang sa kama o may sakit na hindi tataas sa 6 na buwan ang taning

OO, SUBALIT KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT KUNG: 

May sakit kaugnay ng pagdudugo o kasalukuyang umiinom ng anticoagulants

May history ng anaphylaxis o malubhang allergy

May allergy sa pagkain, itlog, o gamot

May hika

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment