‘Virus, sinisi ni Duterte’
TILA WALA ng paraan o lunas sa patuloy na pagkalat ng Covid-19 sa bansa lalo na ngayon kulang ang supply ng vaccine ng pamahalaan sa kabila ng napakalaking utang ng gobyerno upang sugpuin ang virus.
Maging si Pangulong Duterte ay sinisisi ang Covid-19 sa dahilan ng mataas na bilang ng mga may sakit sa bansa. “Ngayon, so, bakit? Eh tumataas eh. Bakit? Eh patuloy pa rin ‘yong mikrobyo na gumagana sa katawan ng tao dito sa Pilipinas. Now, bakit ganoon? Ang gobyerno ba natin nagkulang? Ang gobyerno ba natin walang ginawa?” ani Duterte.
“Alam mo sa totoo lang ang naka-lockdown ngayon ang countries of Ukraine, France, Germany, Poland, Italy. Seventy-five percent of Italy has entered a new lockdown in a bid to fight the rising rates of coronavirus. Hindi lang tayo. Nauna na nga sila sa
vaccine and yet itong may bagong strain, ewan, I’m not a doctor or a medical practitioner pero may mga reinfection sila at may bagong strain at ito ‘yong kinatatakutan ko,” dagdag pa ng Pangulo sa pagtatanggol nito sa lumulubong kaso ng Covid-19 sa ibat-ibang rehiyon, kabilang sa Mindanao.
Ibinida rin ni Duterte ang biniling 1 milyong Sinovac Covid-19 vaccines mula sa China nitong Marso 29 lamang. Sinabi pa ni Duterte na may 2 milyon vaccines pa ang darating, ngunit hindi naman ito sigurado.
“Ang sunod na delivery natin is 2 million pero wala pang siguro ‘yan. Dito sa mga countries na ito na sinasabi ko nag-aagawan sila. I cannot name the countries because I was warned not to mention the names. Nag-aagawan sila ngayon at ang sabi ko hinold (hold) ang (vaccines). Now, dapat sabihin ‘yan kasi para malaman rin natin na how unfair it is really, especially if we are on the side of the poor na ‘yong ma-hold ‘yong bakuna,” sabi pa nito.
Dahil sa kakulangan ng Covid-19 vaccines ay pinayagan na rin ni Duterte ang pribadong sektor na mag-angkat ng bakuna upang maibigay sa mga nangangailangan. Ngunit matagal na itong hinihiling ng pribadong sektor, subalit tinanggihan ng pamahalaan at ayon sa mga kritiko ay posibleng takot na mauna pa ito sa vaccine rollout kaysa gobyerno.
“So wala man tayong magawa. Ang akin ng decision is I have ordered Secretary (Carlito) Galvez to sign any and all documents that would allow the private sector to import at will. Maski magkano o ilan ang gusto nilang ipasok okay sa akin. Tayong gobyerno, ito lang ang nakuha natin, ito lang rin ang ibinigay. Well, of course, hindi natin masabi na mas marami ang mabili ng private sector.”
“But dito sa Pilipinas maraming mga negosyante na gustong bumili kasi ibigay nila sa kanilang mga trabahante. You know what is the reason? Do you know the reason why? So that the economy can be opened. Iyong mga factories nila walang trabahante because ito ngayon karaming restrictions sa mobility ng tao. There are so many restrictions and workers come from all places,” paliwanag pa ni Duterte.
Mahigit 150,000 na ang active Covid-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health at patuloy ang pagtaas ng bilang nito araw-araw. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment