HINIHIKAYAT NG Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na madaliin ang pag-upload ng kumpleto at tamang detalye sa Vaccine Information Management System (VIMS) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang makakuha ng digital vaccination certificates (VaxCertPH) ang mga mamamayang fully vaccinated na.
“Ang VaxCertPH ay kailangan para ma-isyuhan ng digital
vaccination certificates ang mga kumpleto na sa Covid-19 doses sa bansa. Kaya
dapat siguruhin ng mga LGUs na maipasok ang tamang datos sa VMIS sa loob ng 24
oras mula ng mabakunahan,” ani DILG Secretary Eduardo Año.
Sinabi Año na ang digital certificates na ilalabas sa ilalim
ng VaxCertPH ay magiging patunay sa mga Pilipino at dayuhan na nagpabakuna sa
Pilipinas na may balak maglakbay palabas ng bansa o umuwi galing sa ibang
bansa, bilang pagtugon sa requirement ng ibang bansa na magpresenta ng vaccine
certification mula sa Department of Health (DOH) ang mga nais pumasok sa
kanilang teritoryo.
May 20.9 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa Covid-19
kung saan 27.1% ang kabilang sa eligible population. Binuo ng DICT para sa DOH ang
VaxCertPH bilang “self-service web portal” na ginagamit ang vaccination data na
isinusumite ng LGUs sa pamamagitan ng VIMS.
Mayroon itong request at creation feature ng Covid-19
Digital Vaccination Certificate; gumagawa ng Quick Response code kung saan
authenticated ang certificate; mayroon din itong request feature kung saan ang
kliyente ay puwedeng mag-request ng updating ng records kung may maling
vaccination details o missing information.
Ayon kay Año, ang VaxCertPH ay sumusunod sa mga guidelines
na inisyu ng World Health Organization (WHO) para sa Digital Documentation ng Covid-19
Certificate.
Sinabi pa nito na dapat kilalalinin ng mga LGUs at ipatupad
ang VaxCertPH bilang official proof of vaccination para sa mga lokal na
biyahero at magtalaga ng LGU coordinator para sagutin ang mga katanungan at
ayusin ang mga record-related issues ng vaccinations.
Sa DILG Memorandum Circular (MC) No. 2021-095, inaatasan ang
mga local chief executives , DILG regional directors, at Minister for the Local
Government ng Bangsamoro Autonomous Region ng Muslim Mindanao na aktibong
lumahok at suportahan ang pagsasanay na isinagagawa ng DICT tungkol sa
VaxCertPH.
Sa ilalim ng Republic Act 11525 o Covid-19 Vaccination
Program Act of 2021, inatasan ang DOH na mag-isyu ng vaccination cards sa lahat
ng bakunado. Ang DICT, sa pakikipagkoordinasyon sa DILG at DOH, ay inatasan
ding bumuo ng digital process na magsesertipika na ang isang tao ay binakunahan
sa bansa. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment