NANAWAGAN SI Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na lumantad ang sinumang may akusasyon ng korapsyon sa pamahalaan upang masampahan ng kaso ang sinumang mapapatunayang nagkasala sa batas.
Sinabi ni Duterte na wala itong sasantuhin kahit sino sa kanyang pamahalaan dahil salapi umano ng tao ang ginagastos ng gobyerno para sa bayan.
“Sapat
ninyong malaman, as I have said, government is run by the money of the people,
taxes, and we would like you to know and to ask even kung paano nagastos ang
pera ng bayan at anong pinaggastusan. Iyon ang importante iyong hindi kayo
nagdududa na ninanakaw ‘yung pera ninyo. Gusto namin na kung may duda man kayo,
eh ‘di tanungin ninyo and we will give you a straight answer,” ani Duterte.
“Hindi
na kami magpaligoy-ligoy, diretso. But if you have the evidence, the better.
Bigyan mo Xerox copy kami dito, ‘yung original taguin ninyo, and if you think
that there is a good case to prosecute, I’ll leave it up to you to decide kung
saan ninyo gustong i-file. Pero ako pagkaganoon taga-gobyerno, lalo na nandito
sa mataas papunta sa akin,
diretso
na kayo sa Ombudsman para mas madali at malaman ang totoo,” dagdag pa nito.
Naunang
inakusahan ni Senador Richard Gordon, ang chairman ng Blue Ribbon
Committee, na siyang nag-imbestiga sa diumano’y overpriced procurement ng
mga personal protective equipment ng Duterte administration sa Pharmally
Pharmaceutical Corporation.
“Di pa ba natin nakikita
itong laro nitong presidenteng ito? Ibang klase, no nation deserves him. No
nation deserves him because nagtiwala ang tao and he betrayed the trust of the
people,” sabi pa ni Gordon.
Ilang beses na itinanggi
ni Duterte ang akusasyon ni Gordon at ipinagtanggol pa nito ang Pharmally.
Dahil sa pahayag ni
Gordon, inutusan ni Duterte ang kanyang Chief Presidential Legal Counsel
na si Salvador Panelo na kasuhan at huwag tatantanan si Gordon at. “Dikitan
ninyo 'yung mga kaso ni Gordon hanggang election, hindi mananalo si Gordon. Sigurado 'yan. Especially if you can file
the proper case on time,” ani Duterte.
Kabilang sa mga
di-umano’y kasong isasampa sa senador ay ang disallowance ng Commission on
Audit ng si Gordon ay chairman pa ng Subic Bay Metropolitan Authority mula
1992-1998, at maging ang Priority Development Assistance Fund ni Gordon noon ay
kinuwestyun rin ni Duterte.
“Disallowance is when
the notice of disallowance is simply you return the money, but the other side
of the picture is that you have committed because you malverse the money, you
can go to prison so the other side of that is really malversation. Dikitan
ninyo 'yan at hindi aabot ng election time 'yan si Gordon. And if the entire
story is narrated to the people, then I am sure that mata sa mata, parang
ganoon. So, it is not good to be, mas maganda man ‘yang palabas mo sa publiko
na (ma)tigas ka, marunong ka, and that you are very proficient in the English
language,” wika pa ni Duterte.
Ilang beses ng binatikos
at ininsulto at minura ni Duterte si Gordon dahil sa imbestigasyon nito sa
Pharmally, ngunit hindi naman nagpapatinag ang senador at tinawag pa nitong
“cheap politician” ang Pangulo.
Sinabi ni Gordon na
hindi ito natatakot kay Duterte at hindi rin titigil sa kanyang imbestigasyon.
Suportado ng mga ibang senador si Gordon. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment