FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, March 6, 2022

‘Cong’ Beng, sinisi ang Conscience Bloc!

IPAGPAPATULOY UMANO ni Mayor Beng Climaco - na ngayon ay tumatakbo bilang congresswoman sa District 1 - ang pagtulong nito sa mga senior citizens, sa mga mahihirap na pamilya at ang vulnerable sector sa Zamboanga City.


Mahigpit ang yakap ni Lola kay Congressional candidate Mayor Beng Climaco matapos na mabigyan ng ayuda. Halos maiyak sa tuwa si Mayor Beng sa init ng pagmamahal sa kanya ng mga senior citizens at kanilang pamilya. (Bong Serondo)

Ito ay matapos na ibasura ng mga konsehal na ka-alyado nina dating mayor Celso Lobregat at Congressman Mannix Dalipe, ang Largo Vida program ni Climaco.

 

Sinabi ni Climaco na kahit “pinatay” ng tinaguriang “Conscience bloc” ng Team Colorao at Team Dalipe ang Largo Vida program ay hindi ito titigil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan.

 

Isinisi rin ni Climaco ang kahirapan na dinaranas ng mga senior citizens at mga hirap sa buhay ang grupo nina Lobregat at Dalipe.

 

“Sila el ta causa dificultad na programa del de atun administracion, y este tiempo de pandemia por que vosotros (Conscience bloc) man deny con el 17,000 senior citizens of assistance, por que quita 60,000 senior citizens el asistencia, cosa el culpa de lola, cosa culpa de lolo. Cosa el culpa del de atun Largo Vida frontliners, 400 job orders nawalan ng hanap-buhay,” Climaco told a huge crowd in Barangay Maasin, who welcomed her visit.

Ilang ulit na pinalakpakan si Climaco ng mga residente habang ipinapaliwanag nito kung bakit biglang naputol ang Largo Vida program na siyang nagbibigay ng mga ayuda o tulong sa mga senior citizens. House-to-house ang ayuda ng mga Largo Vida lifeliners sa paghatid ng mga gamot, pagkain at iba pang pangangailangan ng mga senior citizens, sa mga mahihirap at mga taong may kapansanan na naka-rehistro sa naturang programa.

“We have to make the very important decision. Huwag kayong maniwala at pogi lang sa picture, huwag kayong maniwala dahil maingay lang sila. Kilatisin ninyo kung ano ang ginawa nila, kung ano ang performance, kung anong tulong nila para sa taong-bayan this time of the pandemic,” wika pa ni Climaco sa mga pasaring sa mga konsehal na siyang nasa likod ng pagkawala ng Largo Vida program.

Opposition Councilors

Sinisi ni Climaco sina ang mga opposition councilors Monsi dela Cruz, na ngayon ay namapayapa na; John Dalipe, BG Guingona, Mike Alavar, Litlit Macrohon, Khymer Olaso, Lilibeth Nuño, Cary John Pioc, VP Elago, at Jerry Perez sa pagkawala ng Largo Vida program. 

Si Dela Cruz at John Dalipe ay tumakbo at nanalo sa ilalim ng Team Climaco noong 2019, ngunit kalaunan ay kumalas sa grupo. Tinalo at inilampaso rin ni Climaco ang matandang si Lobregat sa nakaraang halalan.

Inamin naman ni Climaco na lubha itong nasaktan sa pagta-traydor sa kanya nina Dela Cruz at John Dalipe, at ang pagyurak sa kanya diumano ni Lobregat.

“Bien discouraged yo cay 2019 maga elijido oficiales que junto kanamon na Team (Climaco) para corre, pero uno del de amun uban pa el ya abandona con el administracion de Beng Climaco egual con el de suyo tata el antes alcalde (Manny Dalipe), na tiempo de mio tiyo (alcalde) Cesar Climaco, ya deja con Cesar Climaco y por causa de este cuando ya muri si Uncle Cesar ele ya queda el mayor,” ani Climaco.

“Nohay yo pensa cay history would repeat itself, si John Dalipe ta habla Team Performance quiere corre mayor – ano ba ang nagawa ni John Dalipe? Ano ba ang kanyang performance, he killed the budget for Largo Vida. Si John Dalipe y el Team Colorao ya quita el budget para na maga senior citizens, el libre medicina, libre asistencia, ese el verdad que cosa sila ya hace,” dagdag pa ni Mayor.

Maging si Councilor BG Guingona ay sinisi ni Climaco at siya rin umano ang kumontra sa pagbili ng mga bagong sasakyan para sa mga barangay. “Si BG Guingona, quiere corre para vice mayor, but he filed a resolution not to purchase the brand new vehicles for (Barangay) Maasin. Ansina ba el ayuda cay ta cree lang sila con el Team Colorao de Celso (Lobregat)?” tanong pa nito.

Cosa el Culpa?

Hindi rin pinalagpas ni Climaco ang banat sa beteranong si Lobregat na galit na galit umano sa kanya matapos niya itong talunin sa halalan. “Cosa ba culpa de mio con Celso, cosa de mio culpa? Ya hace lang yo cosa debe hace para buen del ciudad, pero ele ya pone bajo con Beng Climaco, ya mal-habla, ya planta caso, ahora na arroz cosa-cosa sila ta habla. But I will not take it sitting down, I will rise up because God anointed me to serve you,” sabi pa ni Climaco sa mga residenteng walang tigil ang palakpakan.

Itinanggi naman ni Lobregat ang paratang ni Climaco. “Nohay gane yo hace bajo con ele. Quita ta hace lang el cosa debe hace. Hindi man ele el de mio contrario ahora,” sagot pa ni Lobregat.

Sumagot rin si Congressman Mannix at mas malumay ito at sinabing patuloy nitong ipinagdarasal sa Diyos si Climaco, na kilalang debotong Katoliko. “Hindi yo ta pone atencion con kuwan, ta habla ya lang yo con ele God Bless you Mayor Beng, we pray hard. Sindi quita kandela y resa…I am praying for her tiene le enlightenment resa ya lang anay. Pray harder, o baka kuwan tamen de suyo, cay yo tiene tamen lastima siguro mucho lang le ta pensa na de suyo pensamiento, so man pray ya lang for enlightenment, man pray for discernment,” wika pa nito.

At dahil sa mga kasinungalingan na ibinabato kay Climaco ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga supporters at followers nito sa kanyang Facebook page na ngayon ay nasa mahigit 378,000 na. Mas malaki kahit pa pagsamahin ang mga Facebook and sponsored pages nina Lobregat at Dalipe.

Si Climaco ay nanilbihan bilang councilor mula 1998-2004; vice mayor mula 2004-2007; at congresswoman ng Zamboanga mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging mayor noong 2013. Wala pa itong talo sa eleksyon dahil sa taglay na kagalingan at sinseridad sa serbisyo at siguradong mananalo itong muli bilang congresswoman dahil na rin sa malaking tiwala ng publiko.

Suportado rin ni Vice Mayor Meng Agan ang kandidatura ni Climaco. Si Agan ay tumatakbo rin bilang mayor sa Zamboanga. Ikinatuwa naman ng mga taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan na suportahan si Climaco. (Zamboanga Post)  



No comments:

Post a Comment