FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Tuesday, October 6, 2015

Abu Sayyaf IED nabawi ng militar

ZAMBOANGA CITY - Nasa mataas na alerto ngayon ang bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu matapos na mabawi ng militar ang isang bomba na balak sanang itanim ng Abu Sayyaf doon.
Sa ulat ng militar, nabatid na iniwan ng 2 lalaki ang bomba na nakatago sa isang kaeng na puno ng lanzones ng makitang may checkpoint ang mga sundalo sa Barangay San Raymundo nitong gabi ng Oktubre 5.
Tinangka pa umanong habulin ng mga sundalo ang 2 lalaki ngunit mabilis itong tumakas gamit ang kanilang motorsiklo.
Hindi mabatid kung isasakay ba sa barko ang kaeng o itatanim sa kalsada na kung saan ay madalas dumaan ang mga sasakyan ng militar.
Dinagdagan na rin ng militar ang checkpoint sa bayan ng Jolo na siyang sentro naman ng lalawigan. Hindi naman makunan ng pahayag si Mayor Hussin Amin o ang pulisya ukol sa pagkakabawi ng bomba. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment

BP