ZAMBOANGA CITY – Napatay umano ng militar ngayon Martes ang 5 Abu Sayyaf sa patuloy na operasyon sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay bihag pa rin ng rebeldeng grupo ang ilang dayuhan.
Ayon sa militar, nabawi ng mga tropa ng Marine Battalion Landing Team 8 ang ibat-ibang armas na naiwan ng mga nakatakas na rebelde sa ilalim ni Ninok Sapari sa Barangay Liang sa bayan ng Patikul.
Mahigit sa tatlong dosenang Abu Sayyaf ang nakasagupa ng mga marino at wala naman naiulat na sugatan o nasawi sa panig ng mga ito.
Nabatid sa ulat ng militar na itinimbre diumano ng mga opisyal ng barangay ang impormasyon ukol sa pananatili doon ng mga rebelde kung kaya’t agad naman nagpadala ng mga sundalo ang Joint Task Group Sulu sa pamumuno ni Brigadier General Alan Arrojado.
Wala naman makuhang impormasyon sa alkalde ng naturang bayan kung bakit hindi nito malabanan ang puwersa ng Abu Sayyaf. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment