ZAMBOANGA CITY – Nauwi sa pagpapatiwakal ang mainitang pagtatalo ngayon Biyernes ng mag-asawang taga-Zamboanga del Norte matapos na pasabugin ng lalaki ang dalang granada na ikinasugat rin ng 4 bata.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang mag-asawa na sina Danilo Ocampo at Maritess MaƱalac na pawang galing sa bayan ng Sibuco. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa Barangay Patalon at doon ay inilabas ni Danilo ang granada at saka tinaggal ang safety lever nito at sumabog.
Parehong nasawi on the spot ang mag-asawa at nahagip pa ng shrapnel ang mga batang malapit sa pampang na kung saan naganap ang away ng dalawa. Kararating lamang ng mag-asawa sa nasabing barangay ng sila’y magtalo ng husto. Iniimbestigahan naman ng pulisya ang pinagmulan ng away. Hindi pa mabatid kung may mga kaanak ang dalawa sa Zamboanga City.
Naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatang may edad 7 hanggang 12 anyos.
Kamakalawa lamang ay isang pagsabog rin ang naganap sa harapan ng YL Fishing Corporation sa Barangay Talon-Talon na kung saan ay nasira ang gate nito. Walang inulat na sugatan o nasawi sa pagsabog, ayon sa may-ari ng YL Fishing na si Jimmy Yap. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment