DAAN-DAANG kabahayan ang natupok kaninang madaling araw sa sunog na lumamon sa dalawang barangay sa Mandaue City sa Cebu province.
Umabot umano sa limang oras ang sunog sa Barangay Guizo at kumalat ito sa katabing Barangay Mantuyong. Pasado ala-1 ng umaga unang inulat ang sunog at na-kontrol dakong alas 6, ngunit hindi pa mabatid ang pinagmulan ng apoy.
Tinatayang mahigit sa 500 kabahayan sa dalawang lugar ang naabo sa kabila ng dami ng mga truck ng bumbero na nagtulong-tulong upang ma-kontrol ito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at Bureau of Fire Protection sa naturang sunog upang matukoy kung may arson ito o faulty electrical wiring connection ang dahilan, o iba pa at hindi pa mabatid kung may nasawi o nasaktan sa sunog.
Kamakalawa lamang ay isang bodega naman sa Cortez Avenue sa Mandaue ang nasunog rin at hinihinalang nagmula ito sa isang gas stove. Nagtagal ng mahigit sa isang oras ang sunog, ngunit ilang kabahayan rin sa tabi ng Prince Warehouse ang nadamay. (Cebu Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment