Pormal ng nagbukas ang liga ng basketbol ng Kusug Tausug sa Zamboanga City na nilahukan ng 28 teams mula Baislan at Zamboanga. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY – Tinatayang 200 basketbolista ang sasabak sa isang liga matapos na pormal na magbukas ang palaro dito na suporta na sinuportahan ng Kusug Tausug party-list.
Sinabi ni John Cariaga, isa sa mga organizers ng liga, na umabot sa 28 ang team mula Zamboanga at Basilan na sasabak sa liga. At nagkaroon pa sila ng mahabang motorcade dito.
“Malaking tulong ito sa mga kabataan dahil ito ang kauna-unahang liga na ganitong kalaki na sinalihan ng mga basketbolista mula sa ibat-ibang lugar. Ito ang mga programa na kailangan natin para sa mga kabataan, sports activity at camaraderie,” ani Cariaga sa Mindanao Examiner Regional Newspaper.
Maging si Konsehal Elong Natividad na siyang nasa likod ng maraming palaro dito ay nagpasalamat rin sa Kusug Tausug sa pangunguna ni Shernee Tan. “Maganda itong liga at maraming team na magagaling ang sasabak dito at magandang programa ito ng Kusug Tausug,” wika pa ni Natividad.
Ayon kay Cariaga, 3 hanggang apat na laro sa isang linggo ang isasagawa nila sa dalawang venue sa Zamboanga. Sinabi naman ni Tan na bahagi na kanilang advocacy ang promotion ng ibat-ibang sports hindi lamang sa Zamboanga, kundi sa ibat-ibang lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment