FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, March 24, 2016

Mga trabahador nag-rally kontra Kuwaiti banana exporters


Mga nagwelgang trabahador ng Musahamat Farms sa lawarang ipinasa sa Mindanao Examiner Regional Newspaper ng kanilang union. 
DAVAO CITY – Nagsagawa ng protesta kahapon ang mga trabahador ng isang Kuwaiti banana exporter sa labas ng tanggapan nito sa Davao City at inakusahan ang kumpanyang Musahamat Farms, Inc. ng illegal na pagsibak sa mga mangagawa nito sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley province sa Mindanao.
Sinabi ni Esperidion Cabaltera, ang president ng Musahamat Workers Labor Union, na umabot na sa 52 ang bilang ng mga trabahador na sinibak ng kumpanya mula pa noon Pebrero 26 nitong taon.
“So far, 52 workers have been dismissed, 19 have been placed under 30-day suspension and 19 union members, including 9 union leaders are to be given their walking papers,” pahayag pa ni Cabaltera sa Mindanao Examiner Regional Newspaper.
Tutol diumano ang kumpanya sa kanilang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga mangagawa.
“Musahamat’s design here is to eradicate the presence of leaders and staunch supporters of the KMU union because they do not want us around shouting for rights. We have been consistently standing up to the company’s policy of arbitrary dismissals. We have been helping "overstaying" workers or “job-orders” who exceed service for six months and one day attain regular status. The company’s answer is to dismiss them outright but we are here fighting for their reinstatement,” wika pa ni Cabaltera.
Binansagan pa nitong “incorrigible union buster” ang kumpanya matapos itong magpadala ng liham sa 19 union leaders at miyembro na kumu-kwestyon sa kanilang pagasali sa picket noong Pebrero na ayon kay Cabaltera ay kanilang Karapatan o freedom of expression at tahimik rin umano ito.
“Musahamat Farms’ abusive behavior towards its workers is deplorable. What they did is clearly union busting. This company thinks itself as above the law. The workers’ issues are legitimate – right against illegal dismissals, illegal deductions, and regularization. The Labor Code does not exempt foreign employers from implementing labor laws and Musahamat should respect the law and the rights of Filipino workers,” sabi pa ni Cabaltera.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang mga opisyal ng Musahamat Farms ukol sa alegasyon at bintang ni Cabaltera laban sa kanila. (Mindanao Examiner)
Share Our News



No comments:

Post a Comment