FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, April 7, 2016

South Cotabato hospital employee, inireklamo sa pagiging bastos

KORONADAL CITY – Isang empleyado ng South Cotabato Provincial Hospital ang inireklamo dahil diumano sa pagiging aroganteat bastos at pagsigaw-sigaw nito sa asawa ng isang pasyente.
Nakilala ang empleyado na si Karen Joy Millan nan aka-assign sa supply room at nakunan rin ng video sa phone camera ang ginawa nitong pagsigaw at pangduduro kay Gemma Panes sa harapan ng maraming tao.
Nabatid na dinala ni Panes ang asawa sa pagamutan dahil sa matinding ubo kung kaya’t kailangan na kunan ng X-ray at sputum sample. Sinabihan ng taga-laboratoryo si Panes na magpunta sa supply room upang humingi ng lalagyan ng sputum o plema upang masuri, ngunit pinabalik ito ni Millan at kailangan pa umano ng request.
Sinabihan si Panes ng staff sa laboratory na hindi kailangan ng request paper kung kaya’t bumalik ito sa supply room at sa puntong ito ay nagalit na umano si Millan at nagtaas na ng boses. Pinuna naman ni Panes ang pagiging magaspang na ugali ni Millan at lalo itong nagalit at pinagsisigawan na at dinusuro-duro ang ginang.
Humingi naman ng paumanhin kay Panes si Dr. Condrado BraƱa, ang hepe ng ospital, sa naganap. Nabatid na maraming mga pasyente na diumano ang nagre-reklamo na laban kay Millan. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment