FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, September 9, 2016

Granada ibinato sa police station

ZAMBOANGA CITY – Isang granada ang ibinato kanina sa himpilan ng pulisya sa Zamboanga City, ngunit wala naman nasugatan sa pagsabog nito.
Naka-alerto ngayon ang kapulisan sa Sangali na kung saan ay naroon ang fishing port complex matapos ng atake na naganap pasado alas 4 ng umaga. Nakunan rin umano ng CCTV ang isang lalaki na may suot na hood na nasa lugar bago ang pagsabog.
Sinisipat ng pulisya na posibleng may kinalaman sa kampanya kontra droga ang naturang atake dahil may kahawig umano ang suspek sa mga taong kabilang sa drug list doon. Pinaghahanap na rin ito ng pulisya.
Inalertuhan na rin ng liderato ng pulisya ang lahat mga himpilan matapos ng naganap. (Mindanao Examiner)


Mitsubishi Outlander Mitsubishi Destinator