ISABELA CITY – Isang ex-barangay chairman ang natagpuang patay at pugot ang ulo sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon sa mga ulat, nadiskubre ang bangkay ni Najir Bohong, 58, sa liblib na bahagi ng Barangay Mahatalang sa bayan ng Sumisip kamakalawa. Hindi pa matagpuan ang ulo nito, ngunit patuloy naman kahapon sa paghahanap ang pulisya at militar.
Dating chairman ito ng naturang barangay, ngunit hindi pa mabatid ng kanyang pamilya ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang nasa likod nito. Inaalam rin ng mga awtoridad kung may kinalaman ang Abu Sayyaf sa brutal na pagpatay kay Bohong.
Kilabaot sa pagpugot ng ulo ang Abu Sayyaf at ang bayan ng Sumisip ay isa sa mga pinagkukutaan ng naturang grupo. Ang bayan rin ay ang hometown ni ARMM Gov, Mujiv Hataman. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment