CAGAYAN DE ORO CITY – Nilusob ng mga rebeldeng New People’s Army kaninang madaling araw ang isang quarry site sa Butuan City at sinunog ang mga heavy equipment doon bago tumakas.
Hinihinalang nabigo ang may-ari ng quarry sa Barangay Bonbon na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde kung kaya’t nilusob uto ng NPA. Apat na backhoe, isang truck at payloader ang sinunog ng NPA, ayon sa ulat.
Tinatayang mahigit sa dalawang dosenang rebelde ang lumusob sa quarry site na kung saan ay walang nagawa ang mga trabahador kundi masdan kung paanong binuhusan ng gasolona ng mga rebelde ang naturang heavy equipment.
Wala naman naiulat na sugatan o napatay sa atake ng NPA. Hindi pa mabatid kung bakit hindi natunugan ng militar at pulisya ang paglusob ng mga rebelde, gayun nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao. Ilan beses ng nagbanta ang NPA na aatake sa ibat-ibang panig ng Mindanao bilang bahagi ng kanilang pakikibaka sa pamahalaang Duterte.
Atras-abante naman si Pangulong Rodirgo Duterte sa kanyang pakikipag-usap sa mga komunista at ngayon ay balak muli nitong ituloy ang peace talks na kanyang ibinasura ng ilang ulit dahil sa hindi pagtugon ng NPA sa hinihinging cease-fire agreement ng pamahalaan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment