ZAMBOANGA CITY – Isang ama ang nagpatiwakal dahil sa depresyon dulot ng matindig kahirapan sa buhay sa Zamboaga City sa Mindanao.
Sa ulat ng pulisya, kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Ronald Palco. Natagpuan umano ito kamakalawa ng kanyang pamilya na nakabitin sa loob ng kanilang bahay sa Malagutay sa Barangay Upper Calarian at wala ng buhay.
Nagbigti si Palco dahil sa problemang dulot ng salapi at kung paano nito matutustusan ang kanyang pamilya, partikular ang kanyang anak na nagaaral pa, ayon sa mga mahal sa buhay nito.
Wala umanong trabaho si Palco at nalubog sa matinding depresyon. Hindi naman malaman ngayon ng kanyang pamilya kung paano na sila ngayon patay na ang ama. Problemado rin ang mga naiwan ni Palco dahil sa wala silang pang-gastos sa pagpapalibing sa biktima. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment