Saturday, May 25, 2019

Bangkay ng babae, natagpuan sa ilog

PINANINIWALAANG NALUNOD ang isang babae matapos na matagpuan ang bangkay nito na palutang-lutAng sa Davao River malapit sa Holy Trinity Ecoland, sa Davao City.

Batay sa ulat ng Davao City chief Colonel Alexander Tagum, dakong alas 9:15 ng umaga nitong Huwebes nang matanggap ang ulat ng Central 911. 

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman mula kay Angelito Canarias Alcorcon, 58, maintenance crew ng dredging vessel ng Department of Public Works and Highways, na habang nagliligpit sila ng steel floater sa dredging vessel kanilang nakita ang bangkay ng babae.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang bangkay na may edad mula 40-45 at may taas na 5 talampakan. Nakasuot ito ng itim at puting damit at brown na pantalon. Hindi pa mabatid kung may foul play sa pagkakalunod ng biktima. (Rhoderick BeƱez)
 
 

No comments:

Post a Comment