NORTH COTABATO - Nagpalabas na ng public advisory ang pulisya sa North Cotabato laban sa mga ibat-ibang "quick money" or investment scams matapos na makatanggap ng maraming reklamo mula sa mga biktima na naniwala sa malaking interest na ipinangako sa kanila kapalit ng malaking halaga.
Sinabi ni Lt. Col. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Police Regional Office 12, na kailangan maging mapanuri ang publiko sa mga nagaalok ng mga ibat-ibang investment schemes na nagbibigay ng 30%-400% interest sa loob ng ilang linggo lamang.
Matuturing itong Ponzi scheme na tulad sa naganp noon sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur na kung saan marami ang nag-imbak ng salapi sa Aman Futures na kinalaunan ay bumagsak dahil isa itong scam.
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment