KIDAPAWAN CITY – Milagrong nabuhay ang dinukot na manager ng Kabus Padatuon Ministry International Incorporated (KAPA Ministry) sa Alabel, Sarangani matapos itong pagsasaksakin ng mga di-kilalang lalaki sa gitna ng malawak na planstasyon ng pinya sa South Cotabato.
Iniwan ng mga suspek si Remely Iral, 42, sa akalang patay na ito, ngunit nagawa pa ng biktima na makahingi ng tulong - kahit pa may mga sugat ito sa katawan at naka-posas ang mga kamay - sa mga kabahayan sa Purok Bagong Silang sa Barangay Kablon sa bayan ng Polomolok kamakailan lamang.
Batay sa imbestigasyon ng Tupi Police Station, nakaposas at humihingi ng tulong sa isang bahay si Iral at sinabi nito na dinala siya sa gitna ng plantasyon ng mga kidnappers at doon pinagsasaksak. Bago umalis ang mga kidnapper ay nag-iwan pa ito ng karton sa tabi ng katawan ni Iral na may nakasulat ng pagbabanta kay KAPA founder Joel Apolinario at ang panloloko umano nito sa taong bayan.
Ito ang nakasulat sa karton: “Joel Apolinario, ihinto muna ang panlilinlang at panloloko mo sa taong bayan. Lahat ng opisyal ng KAPA susunod na kayo. Sinira ninyo ang serbisyo namin, sinira ninyo ang kinabukasan namin!!!”
Matatandaan na si Iral, na sinasabing kaanak ng asawa ni Joel na si Reyna Apolinario, ay dinukot matapos tambangan ng mga armado ang kanyang pick-up truck sa Barangay San Isidro sa General Santos City noong Enero 23. Napatay sa ambush ang driver nitong si Bresnev Morada, 38. Patungo ang dalawa sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur ng sila’y tambangan.
Sa Facebook page naman ni Bong Cagape ay ito ang kanyang isinulat kasama ang dalawang larawan ni Iral.
“Kapa OIC ALABEL branch, iniwan sa pinyahan. Labis ang pasasalamat ng mga members at mga opisyal ng Kapa sa pagbalik ng buhay ni Remely Iral na iniwan ng mga kidnappers na nakaposas sa pineapple plantation, Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato. Nasa hanggang limang kilometro ang layo ng lugar na pinakawalan ang biktima mula sa national highway ng nasabing bayan.”
Inaakusahan ng mga awtoridad ang KAPA Ministry ng panloloko sa mga libo-libong miyembro nitong nagbigay ng salapi kapalit ng malaking interest tulad sa ‘Ponzi scheme.” (Mindanao Examiner. May karagdagang ulat si Rhoderick BeƱez.)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

Remely Iral

No comments:
Post a Comment