FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, January 31, 2020

Kuta ni Apollo Quiboloy sa US nilusob ng FBI, 3 dinakip

HAWAK NGAYON ng Federal Bureau of Investigation ang tatlong opisyal ng “Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name,” ng kontrobersyal na si Pastor Apollo Quiboloy matapos lusubin ang isang lugar nito sa Los Angeles.

Iniimbestigahan ng FBI ang tatlong tauhan ni Quiboloy sa alegasyon ng human trafficking at iba pa. Ginagamit rin umano ang mga miyembro ni Quiboloy bilang fundraisers at may mga ulat ukol sa “sham marriages” upang mapanatili ang mga ito sa Amerika.


Kabilang sa dinakip ng FBI ay ang lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name sa Los Angeles.

Sinabi ng FBI na may affidavit ito mula sa mga miyembro ni Quiboloy na umamin na ipinapadala sila sa ibat-ibang lugar sa US upang mangulekta ng salapi at maibigay ito sa Pinas para sa charity missions ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.

Mahabang oras rin umano ang ginugugol ng mga ito araw-araw sa kanilang fundraising dahil sa mga quota nila. At ang mga bigong maka-quota ay sinasaktan umano, ayon pa sa alegasyon. Nabatid rin na karamihan sa mga fundraisers ni Quiboloy ay natutulog na lamang sa mga sasakyan at paradahan ng mga truck.
 
Walang pahayag si Quiboloy - na kaibigang matalik at supporter ni Pangulong Duterte - sa mga akusasyon o alegasyon ng FBI, ngunit naging kontrobersyal ito matapos niyang sabihin na siya ang “appointed son of God” and noong nakaraang taon ay tahasan nitong ipinagyabang na dahil sa kanya ay napinigilan nito ang lindol sa Mindanao.

Napakalawak rin ng mga lupain ni Quiboloy - na isang television evangelist - sa Davao at naglalakihan ang mga bahay nito, bukod pa sa pagaari ng Sonshine Media Network International. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment