FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, March 6, 2020

Duterte, hinamon ang Amerika!

HINAMON NI Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika na magsampa ng mga kaso laban sa kanya kaugnay sa alegasyon ng extrajudicial killings ng kanyang madugong war on drugs.


Ito ang ibinunyag ni Duterte matapos umanong makipag-usap sa kanya si US Ambassador Sung Kim ukol sa Visiting Forces Agreement na ibinasura ng Pangulo matapos nitong palagan ang kanselasyon ng Amerika sa visa ni Senator Ronald dela Rosa, na dating pinuno ng Philippine National Police, na siyang nasa likod ng “Oplan Tokhang” – ang kampanya laban sa ilegal na droga.

“Sinabi ko sa kanya, extrajudicial killing? Wala akong paki-alam diyan. You can bring on the charges you want, but I will stick to my guns. I will kill anybody that will tend to destroy my country,” ani Duterte kay Kim.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Kim o ang US Embassy ukol sa panghahamon ni Duterte, ngunit iniimbestigahan na rin ng United Nations ang mga paratang ng extrajudicial killings laban kay Duterte. 

Maging ang ilang mga senador ng Amerika ay kinondena na rin ang naturang isyu, gayun rin ang patuloy na pagkakapiit ni Senator Leila de Lima at kung kaya’t kanselado na ang mga visa ng maraming mambatatas na may kinalaman sa pagkakakulong kay De Lima na nahaharap sa mga kasong may kinalaman umano sa droga.

Sa kabila nito, nais naman ni Duterte na ang susunod na Pangulo ay pumapatay rin, ngunit wala pa umano itong makita na karapat-dapat na pumalit sa kanya. 

“Wala pa akong nakita na new crop of politicians dito sa ating bayan ngayon. Frankly, wala akong nakita na puwede talaga maging Presidente. Alam mo, sa totoo lang, Presidente ka, na hindi ka marunong pumatay at takot kang mamatay, huwag ka na mag-Presidente. Walang mangyari sa iyo, walang mangyari sa bayan kung puro utos ka lang, in the end, ikaw pa 'yung kontrabida. Ikaw na ‘yung gumawa para ikaw talaga ang bida,” ani Duterte.

Kaliwa’t-kanan ang batiko at pag-kondena ng mga human rights group kay Duterte dahil sa extrajudicial killings sa bansa na ayon sa Commission on Human Rights ay nasa mahigit 27,000 na mula ng magsimula ang Oplan Tokhang noong 2016.  (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment