FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, March 1, 2020

Murad Ebrahim, tikom ang bibig!

‘Mga armadong MILF 
naharang sa Bukidnon’

SA KABILA ng peace agreement ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front, patuloy pa rin ang paglabag ng dating rebeldeng grupo sa batas at mistulang bandido pa rin ang ilang mga miyembro nito.

Image result for murad ebrahim, mindanao examiner
MILF chieftain and Chief Minister of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao with President Benigno Aquino. (Library Photo)

Kamakailan lamang ay naharang ng pulisya sa bayan ng Talakag sa lalawigan ng Bukidnon ang isang truck na may lulang 40 mga rebelde na pawang armado ng matataas na kalibre ng armas at mga pampapasabog.

Nabatid na mga miyembro sila ng MILF 118 Von Basher Unit sa lalawigan ng Maguindanao at patungo sa naturang bayan upang tulungan ang kanilang mga kasamahan na nakapatay ng isang landowner doon. Ayaw umanong isuko ng MILF ang kriminal at sa halip ay reinforcement ang ipinadala sa lalawigan.


Ang mga naharang na MILF members. (PNP Photo)
Nakumpiska mula sa mga MILF ang ibat-ibang kalibre ng baril, granada, mga bala, radio communication sets at mga identification cards at pawang mga tauhan ni MILF Commander Abdulbasser Sulaiman Tahir. 
Tikom naman ang bibig ni MILF chieftain Murad Ebrahim na siya rin Chief Minister ng Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagkakadakip ng kanyang mga tauhan. 

Si Ebrahim rin ang nagmatigas noon na isuko sa awtoridad ang mga rebeldeng pumatay sa 44 na mga miyembro ng Special Action Force noong Enero 25, 2015 sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao. 

Pinaslang ng MILF ang mga SAF matapos na lusubin ng mga police commandos ang hideout ni Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alias Marwan na nasa loob ng teritoryo at protektado ng MILF.

Nabatid na ang MILF 118 Von Basher Unit ay isa sa mga grupong kasama sa pagpatay sa SAF 44. 

Hindi naman agad mabatid kung ikinulong ba ang mga nadakip sa Bukidnon, ngunit ayon sa Benar News ay ipinasa diumano ang kahat ng mga armado sa pangangalaga ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa ilalim ni Sec. Carlito Galvez na kaibigan naman ni Ebrahim. 

Walang pahayag si Ebrahim o Galvez sa paglabag ng mga armadong MILF sa peace accord. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment