FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, September 21, 2020

Kampo ng BIFF, nakubkob ng militar!

MAGUINDANAO – Nakubkob ng mga sundalo mula sa 33rd Infantry Battalion ang isang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa isinagawang military operations sa Barangay Saniag sa bayan ng Ampatuan kahapon lamang.

Sinabi ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division commander, Maj. Gen. Juvymax Uy, na pasado alas-8:00 ng umaga ng magsagawa ng operasyon ang mga tropa at natunton ang nasabing kampo. 

Ngunit wala na umano ang mga terorista sa lugar, subalit naiwan naman nila ang ilang mga pampasabog. Posibleng may balak ang BIFF na maghasik na naman ng lagim.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod namang mga pampasabog ang natagpuan ng mga sundalo sa mga mas pinaigting nilang operasiyon laban sa grupo ng BIFF at ng Dawlah Islamiya na siyang responsable sa mga pambobomba sa Mindanao. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment