FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, September 28, 2020

Misis at kalaguyo nito nahuli, pinagtataga sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY - Sugatan ang isang ginang at patay naman ang diumano'y kabit nito matapos silang mahuli at pinagtataga ng asawa ng babae sa isang bahay sa bayan ng Tulunan sa North Cotabato province.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen kamakalawa ng gabi sa Barangay Tambac matapos na sumugod sa bahay ang mister kasama ang dalawang iba pa at agad inundayan ng taga ang asawa at kalaguyo nito.

Nabatid na tinapon pa ng mga suspek ang bangkay ng lalaki sa isang balon at agad na tumakas at iniwan ang duguang babae na may tama sa kanyang binti at kamay. Maswerteng binuhay pa ito ng kanyang asawa.

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek. (Rhoderick BeƱez)

 




No comments:

Post a Comment