FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, November 26, 2020

Hulu ka!

NORTH COTABATO – Hawak ng pulisya ang umano’y killer ng isang faith healer matapos itong madakip sa bayan ng Makilala.

Sinabi ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang kamakailan kay Ulysses Manligro Mirabueño, na residente ng Barangay San Vicente ng nasabing bayan.

Ayon sa awtoridad, binaril ng suspek na si Robin Sarol Lonzaga ang faith healer. Nabawi rin sa bahay ni Lonzaga ang kanyang baril at isang granada at bonnet.

Pinaniniwalaang hired killer si Sarol at inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay lulan ng motorsiklo mula sa Makilala at patungo sa bayan ng Tulunan ng sundan ng suspek na sakay rin ng motorsiklo at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang faith healer na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay Makilala police chief, Major Arniel Melocotones, nakilala ang suspek sa tulong na rin ng mga nakasaksi sa krimen. Tumugma din ang mukha nito sa mga larawang hawak ng Makilala police na umano’y hired killer. (Rhodz Beñez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



BingoPlus