FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, November 7, 2020

Mga Ugok!

IYAN ANG bansag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong naghahanap o nagtatanong kung nasaan ang Presidente sa kasagsagan ng nakaraang Bagyong Rolly matapos na absent ito sa lahat ng briefing National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nag-trending rin sa social media ang hashtag na “Nasaan Ang Pangulo” at umani ito ng samut-saring batikos mula sa mga netizens na nagsasabing dapat si Duterte ang nasa NDRRMC briefing.

Isa sa mga batikos kay Duterte ay “natutulog” lamang ito sa kanyang bahay sa Davao City mula ng umuwi dahil sa mahabang holidays.

Binuweltahan naman ni Duterte ang mga bumabatikos sa kanya. “Kaya kami taga- probinsiya, we travel almost with regularity. Bakasyon, All Souls’ Day kaya nga ako nauwi, itong mga ugok naman, sabi wala ako. I was waiting for — just for the typhoon to pass. Then lumipad ako, nagpunta ako kanina sa ano.”

“You know, kung wala kayong patay, okay lang. Kaming may mga patay, kailangan umuwi kami doon sa amin. Pero ngayon nandito na ako. Iyong nagsabi na wala ako dito kasi wala nasa probinsiya, so what’s your problem? Ang mga papeles pinadala ninyo diyan, tapos pirmahan ko, ipadala ko ulit. Eh machine lang naman iyan eh,” ani Duterte.

Tinutya pa nito ang mga bumabatikos sa kanya.

“So, the fact na wala ako, nandito sa pag bagyo. Why? Do you want me to stand doon sa white sand (dolomite sa Manila Bay) ni (DENR Secretary) Roy Cimatu just to show that I am here? Kaming lahat wala because may bagyo eh. Ngayon, I was waiting for it to pass iyong tail end ng bagyo, then lumipad ako,” paliwanag pa ng Pangulo.

Pagbalik sa Maynila mula Davao City, agad rin naman nitong binisita ang Albay na lubhang apektado ng Bagyong Rolly, ngunit batikos pa rin ang inabot nito sa social media mula sa mga netizens na nagsabing “photo ops” lamang dahilan kung kaya’t naroon ito.

Ipinag-tanggol naman ni Presidential Spokesman Harry Roque si Duterte kung bakit wala ang Pangulo sa lahat ng NDRRMC briefing. Masaya rin umano ang Pangulo sa naging tugon ng mga local governments at ahensya ng pamahalaan sa paghahanda sa pagdating ng Bagyong Rolly.

Bagama’t napakalakas nitong bagyong ito ay nagbunga po iyong ating disaster preparedness and the President is very happy to note that everyone did their job to warn people, to evacuate, to prepare evacuation centers, to preposition supplies, to preposition equipment para ma-repair ang mga kalsada. So, iyan po ang importante - na pinaghandaan natin nang mabuti itong bagyo,” ani Roque.

“The President is very happy to note that everyone did their job to warn people, to evacuate, to prepare evacuation centers, to preposition supplies, to preposition equipment para maprepare ang mga kalsada. Yan po ang importante, na pinaghandaan natin nang mabuti ang bagyong ito,” dagdag pa nito.

Umabot sa mahigit 20 umano ang nasawi sa Bagyong Rolly. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




BingoPlus