FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, November 13, 2020

Pamosong Asik Asik Falls, binuksan na muli sa publiko

MULING BINUKSAN sa publiko ang tanyag na Asik Asik Falls sa bayan ng Alamada sa North Cotabato makaraang luwagan ang restrictions sa quarantine protocols sa naturang lalawigan.

Asik Asik Falls (Alamada Government Photo)

Ayon sa Alamada Tourism Development and Promotion Unit, layon nito na makabangon ang sektor ng turismo sa bayan na labis na naapektuhan ng pandemiya. Pero kinailangan munang magpatala o mag-pre-booking ang mga nais bumisita sa naturang tourist destination dalawang araw bago ang nakatakdang pagpunta rito.

Bukas ang booking process ng Alamada Tourism Development and Promotion Unit mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Lilimitahan lamang sa 200 turista kada araw ang maaaring makapunta sa Asik-Asik Falls bilang pagsunod sa panuntunan sa mass gatherings kontra Covid-19. 

Ang Asik Asik Falls ay matatagpuan sa Sitio Dulao, Upper Dado. Ang bayan ng Alamada ay kilala sa kanilang mga ibat-ibang tourist destinations. Kabilang sa mga ito ang Munar Falls sa Lower Dado na binansagang “Little Asik Asik,”; Daday Falls sa Mimbalawag, Upper Dado at siyang pinakamataas at pinakamalaking waterfalls sa Alamada; Kawa Kawa Natural Pool sa Barangay Pacao; Guo Hill View Deck sa Rangayen at Guiling; Kitub-Bao Cave sa Kitub-Bao; Mt. Opao sa Kitub-Bao; Siya-siya Peak at Shrine of the Holy Cross sa Bao; Rapid River Water Tubing; Alamada Night Market; at River Water Adventure sa Raradangan. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





BingoPlus