FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, December 3, 2020

Ayuda ng North Cotabato, pinasalamatan

KIDAPAWAN CITY – Malaki ang pasasalamat ng mga residente ng 3 barangay sa bayan ng Arakan sa North Cotabato matapos na makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan.

Umabot sa P246,000 ang naipamahagi sa 123 benipisyaryo na nagmula sa barangay ng Salasang, Anapolon at Naje.

Dagko na mga negosyo karon nag sugod sa gamay, kami ay umaasa na sa konting halaga pandagdag puhunan ay mapalago ninyo,” ito ang naging pahayag ni Dr. Samuel Aquino, ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO), sa ginawang orientation nito kasabay ng pamamahagi ng tseke sa mga benepisyaryo ng Entrepreneur Support Program. 

Pasasalamat naman ang tugon ni Konsehala Rhea Gayatin kay Gov. Nancy Catamco sa tig-P2,000 na natanggap ng kanyang mga kababayan, at kanyang pinaalahanan na gamitin ito na pandagdag-puhunan at palaguin. 

Pinangunahan ng PCDO, Barangay Affairs Office, Food Security Team at ng Provincial Treasurer’s Office ang naturang programa. (Rhoderick Benez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:

Post a Comment