FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, December 3, 2020

Istupido!

Pangulong Duterte, napikon na naman sa mga kritiko

TINAWAG NA “istupido” ni Pangulong Duterte ang mga kritiko nito na nagsasabing wala o kulang ang ginagawa ng pamahalaan upang ma-address ang Covid-19 pandemic sa bansa.

President Rodrigo Duterte

Dahil dito ay muling napikon si Duterte at ito ang kanyang sinabi sa isang public broadcast kamakailan lamang: “I will ask our resource person and people who are behind Covid-19. Kayong mga critics ba na hindi na-handle ng gobyerno. Alam mo pagka-stupido talaga ninyo.” 

“Ang gamot lang — ang ano lang diyan, ang panglaban lang ng Covid is wash your hand, tapos wear a mask, and stay home. Iyan lang ang medisina diyan. Walang… Hindi mo mabili sa botika ‘yan. Hindi mo mabili sa mga utak ninyo. But some writers for reasons known…may nagsasabi na hindi… Walang gamot ‘yan, nasa hangin ‘yan. Mask, may ubo, that moist that you spewed out through your nose or mouth, that travels a long way. Walang ano diyan usually ‘yan, ‘yan ang lumalabas. Hugas ng kamay, keep clean, then wear a mask, then stay home.” 

Paulit-ulit na sinabi ni Duterte na tanging vaccine lamang ang solusyon laban sa Covid-19 at kahit pigilan umano ng gobyerno ang mga tao na lumabas ng bahay ay tiyak na lalabas pa rin ang mga ito. Kung kaya’t kaliwa’t-kanan ang pag-utang nito ng bilyon-bilyong piso upang ipambili ng vaccine, kabilang ang sa China. 

“Ngayon, ‘yang stay home ano ‘yan it’s highly debatable. You cannot insist on the theory that they will go out — they get out, they get the Covid. But wala nang makain. So ‘yan. Walang gamot except the vaccine,” paliwanag nito. 

Kilalang pikon si Duterte at kahit noon pa man ay maraming beses na nitong minumura at tinatawag na istupido ang kanyang mga kritiko at kalaban sa pulitika. Maging ang Santo Papa at ang mga Santo at Diyos ay minura rin nito. 

Sinabi ni Duterte na talagang matigas ang ulo ng mga Pilipino kahit pa na patuloy ang pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Inihalimbawa pa nito ang lumalalang kaso ng Covid-19 sa Europa at Estados Unidos. 

“Now, let me remind you that Europe and America are experiencing what they would call some say a third wave na pagbalik, mas marami ang nagkasakit ngayon at namatay. Ito this is a country which is rich na dapat may bakuna na, can afford it. And yet, maraming nagkakasakit, namatay for the simple reason na matigas ang ulo, ayaw eh.

Ngayon ‘yung sa Pilipinas, matigas ang ulo. But itong mga critics saying, “Eh bakit rumami?” Eh bakit hindi rumami na lumabas na ang lahat. Bakit mapigilan mo? Mapigilan ng gobyerno? Mapakain ba ng gobyerno ang lahat? Iyan ang istorya diyan.”

“Kung hindi sila maglabas ng bahay, can you sustain their lives while inside the house? Nobody is buying food, hindi na kikita, walang trabaho, wala lahat. Kaya napipilitan lumabas. It’s between hunger and the spectacle of…mamili ka diyan,” sabi pa ni Duterte.

Maging sa balwarte ni Duterte sa Davao ay malala rin ang Covid-19 cases kung kaya’t agad itong isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng taon at malawakang Covid-19 testing ang isasagawa.

Bukod sa Davao, nasa kategorya rin ng GCQ ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City at Davao del Norte. At ang ibang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates





No comments:

Post a Comment