FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, January 9, 2021

Kongreso binira, tinawag na ‘tolongges’

BINUWELTAHAN NI Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na nais mag-imbestiga sa ilegal na pagbabakuna ng anti-Covid vaccine na pinaniniwalaang galing sa China sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Kulang na lamang na murahin at pangalanan ni Duterte ang mga mambabatassa galit nito dahil sa umano’y panghihimasok na Kongreso sa teritoryo nito. 

Nais kasing malaman ng mga mambabatas kung paanong nakalusot sa bansa ang mga vaccine na itinurok sa mga sundalo, gayun wala pang approval dito ang Food and Drug Administration.  

Ito rin ang iginigiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsasabing pabayaan na lamang ang PSG sa kanilang ginawa kahit pa smuggled ang mga vaccine.

Tinawag naman ni Duterte na “self-preservation” ang ginawang pagbabakuna sa mga miyembro ng PSG. Kay Duterte rin kasi nabatid ng media ang naganap na pagbabakuna na noon pa palang Oktubre isinagawa. 

“So… I will not talk about — because I really do not know about this itong vaccine sa PSG. To me, it’s a matter of self-preservation. Iyan lang, whatever be your objection, whatever be your criticism, para sa akin, it is a matter of preservation. And I would like to call on Congress na hindi naman ako nakikiusap. Ang ano ko lang diretso na salita na do not tinker with the PSG. I’m telling you as President it’s a matter of self-preservation,” ani Duterte.

Tinakot pa nito ang Kongreso na huwag daw siyang susubukan at baka magkahiyaan lamang at mauwi ang isyu sa krisis. “I will not elaborate on it but do not force my hand to meddle into this affair because maybe I will not — I am not so keen about allowing Durante and the rest of the PSG to testify. Ginawa ito nila as I understand para sa kapakanan ng buhay nila. So if they will be called — if they will be called to testify in Congress, my — as a lawyer, I will just tell them because they are now being accused and with the accompanying statement of prosecution and things like that.”

“And if that is the case, then I would ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination at wala kayong makukuha. And do not force my soldiers to testify against their will. At huwag ninyong i-contempt-contempt na i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me. It would not be healthy for everybody,” dagdag pa nito.

Ayaw naman sabihin ni Duterte kung paanong naipasok sa bansa ang mga vaccine na ginamit sa PSG. Ngunit matagal ng may balita na kalat sa black market ang mga Chinese vaccines at katunayan ay halos 100 mga Chinese POGOs (Philippine Offshore Gaming Operator) workers ay nabakunahan na rin.

Tila inalaska pa ni Duterte ang mga mambabatas ng sabihin nitong ang brand ng vaccine na ginamit sa PSG ay “Milkmaid” – isang brand ng condensed milk. 

Sinabi ni Duterte na bahala na ang mga sundalo kung magkaroon sila ng side effect dahil sa bakuna at buhay naman umano nila ang nakataya. 

“Let them be and let them suffer kung mayroong adverse effect ‘yung vaccine. I don’t know really if they were injected with the vaccine, what brand, hindi ko alam. Hindi ko talaga — huwag kayong — do not presume na sabi kino-cover up.  Putang ina kayo wala akong — hindi ako — hindi ako gago na maglaro ng ganito.”

“If I say that I will allow them, I will allow them. But I did not because they had it on their own. Pero kung gusto kong sabihin na for emergency purposes you give the vaccines, wala ng istorya ‘yan. Wala akong i-cover-cover. Hindi ako tolongges kagaya ninyo. Eh ‘yung utak ninyo mahina eh. I can order. So what would stop me by saying, “Sige pa-injection kayong lahat, all the Armed Forces?” sambit pa ni Duterte.

Dahil sa pagbubunganga ni Duterte, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines na hindi na rin ito magiimbestiga sa mga sundalo. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment