FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, January 3, 2021

Lolo patay, 32 iba nadale ng diarrhea sa Davao

ISANG SENIOR citizen ang naiulat na nasawi habang 32 katao naman ang isinugod sa ospital matapos na makaranas ng pagtatae, pagsusuka sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa ulat, nakaranas ng sintomas ng diarrhea ang 68-anyos na biktima nito pang Disyembre 31 kung saan agad itong isinugod sa isang district hospital sa kanilang lugar kamakalawa.

Bunsod ng mahinang pangangatawan ay hindi na kinaya ng matanda ang kanyang karamdaman at tuluyan namang iginupo ito ng kanyang sakit habang 32 iba pa ay nakaratay naman ngayon sa ospital.

Base sa imbestigasyon, posibleng sa kontaminadong tubig ang dahilan ng nasabing sakit, gayunman, patuloy pa ang pagsusuri.

Sinabi ni Mayor Jason John Joyce na walang water district ang buong lokalidad kaya sa poso o sa mga bukal o sapa direktang kumukuha ng tubig maiinom ang mga residente na posibleng na kontamina. (Rhoderick BeƱez)

 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

 




No comments:

Post a Comment