FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, January 7, 2021

Parak pinatay sa Maguindanao

MAGUINDANAO - Pinabulagta ng di-pa nakilalang armado ang isang bagitong pulis habang pauwi ito sa kanilang bahay sa bayan ng Libungan sa North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Corporal Mark Iris Bisin Tendero, 25, at residente ng Barangay Baguer sa bayan ng Libungan sa North Cotabato.

Sinabi ng pulisya na naganap ang atake sa Barangay Simuay Crossing sa bayan ng Sultan Kudarat dito dakong alas-5:30 ng hapon nitong Disyembre 6 habang lulan ang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo. 

Galing ang parak sa regional police office sa bayan ng Parang. Hindi nito napansin ang nakabuntot na 2 armado na sakay ng isang motorsiklo at niratrat ang biktima.

Wala ng buhay at naliligo sa kanyang sariling dugo habang nakadapa sa kalsada ang biktima dulot ng mga tama ng bala ng baril na kanyang tinamo sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasiyon sa nasbaing krimen. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment