FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, March 22, 2021

Gumamit ng face mask sa loob ng bahay: DOH

HINIHIKAYAT NGAYON ng Department of Health (DOH) ang mga Pinoy na magsuot ng face mask kahit sa loob ng kanilang tahanan bilang paniguro sa kanilang sarili laban sa Covid-19.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director, Dr. Alethea De Guzman, na ang pagsusuot ng face mask ay makatutulong na maputol ang umano’y “chain of transmission.”

“Lalo na po sa mga bahay na merong matatanda, merong mga kasama sa bahay na meron ding sakit katulad ng hypertension or diabetes, napakahalaga na gumamit ng face mask. Sila po naiiwan sa bahay, tayo po lumalabas. So tayo ‘yung posibleng magdala ng mga infection na ito sa loob ng bahay at napakabilis po talaga mag-transmit within our homes,” ani De Guzman. 

Sa ngayon, may mahigit sa 621,000 kaso na ng Covid-19 sa bansa at halos pumalo na sa 50,000 ang active cases sa kasalukuyan. At patuloy na tumataas ang bilang nito dahil sa mga bagong Covid-19 variants mula United Kingdom, South Africa at ngayon ang Philippine variant ng virus. (Zamboanga Post)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


BP