FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, April 29, 2021

Senior citizens, PWDs manatili sa inyong bahay -DSWD

MULING UMAPELA  ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nakatatanda (SCs) at mga taong may kapansanan (PWDs) na manatili na lamang sa sa kanilang mga bahay at ipaubaya sa kanilang mga nakababatang kinatawan ang pagkuha ng ayudang pinansyal mula sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan (LGU).

Ang apelang ito ay kaugnay ng mahahabang pila sa ilang LGU na nasa loob ng “NCR plus bubble” at namimigay ng ayudang pinansiyal sa kanikanilang kwalipikadong residente.

Ayon sa DSWD, ang mga nakababata at mas malusog na miyembro na lamang ng pamilya ang papilahin para makakuha ng ayudang pinansiyal.

Mangyaring dalhin at ipakita ang ID ng SC at nang kukuha kasama ang awtorisasyon na pirmado ng SC o ng PWD.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng DSWD ang mga organizer ng community pantry at mga relief distribusyon na makipag-usap sa kaukulang LGU upang maseguro ang maayos na pamamahagi ng kanilang mga tulong lalo pa nga at kadalasan ay may sumasali mula sa mga bulnerableng grupo.

Pagdidiin ng DSWD, ang mga SCs at PWDs ang pinakabulnerable sa mga epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ito ay nakapaloob sa resolusyon ng IATF na ang mga seniors at mga may sakit ay manatili na lamang sa kanikanilang bahay. (By Lucia F. BroƱio)



No comments:

Post a Comment