FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, May 27, 2021

3 pari patay sa Covid-19

COTABATO CITY – Nagluluksa pa rin ang mga debotong Katoliko at mga kaibigan ng 3 pari matapos silang pumanaw ng sunod-sunod dahil sa Covid-19.

Fr. Loreto Sandoy, Fr. Rex Bacero at Fr. Eliseo Mercado

Dalawa sa mga ito ay miyembro ng Diocesan Clergy of Cotabato habang ang isa naman ay kasapi ng Oblates of Mary Immaculate. Kinilala ang mga nasawing alagad ng Diyos na sina Fr. Loreto Sandoy, Fr. Rex Bacero at Fr. Eliseo Mercado.

Sinabi ni Cathedral Parish Rector Fr. Ben Toreto na si Fr. Sandoy, 78, ay vicar ng Our Lady of the Holy Rosary parish, at nag-reklamo ito na nahihirapan sa paghinga at bigla na lamang nawala ang kanyang panlasa. At dahil sa kanyang kondisyon ay agad itong dinala sa Cotabato Regional Medical Center kung saan ito pumanaw.

Si Fr. Bacero, 52, ay presidente naman ng Notre Dame of Salaman College sa bayan ng Lebak sa lalawigan ng Sultan Kudarat, at nakaranas din ng sintomas ng Covid-19. At tulad ni Fr. Sandoy ay bumigay rin ito sa nasabing virus.

Pinakahuling namatay si Fr. Mercado matapos itong atakihin sa puso - kahit pa may pacemaker sa dibdib - habang nasa Cotabato Regional Medical Center. Siya ay pumanaw sa edad na 72 at nakatakda sanang magdiwang ito ng kanyang ika-73 kaarawan nitong May 29.

Nabatid na isinugod sa naturang pagamutan noong Mayo 8 si Fr. Mercado matapos na mag-reklamong hirap sa kanyang paghinga matapos na mag-positibo sa Covid-19. Nalampasan na sana ni Fr. Mercado ang sakit at handang lumabas ng pagamutan nitong Mayo 22 matapos na gumaling, ngunit bumigay rin ang muscle ng puso nito kahit pa may pacemaker.

Ang pacemaker ay isang device na nagbibigay ng lakas sa heart muscle upang ito ay tumibok. Ngunit kung ang isang tao na may pacemaker ay tumigil sa kanyang paghinga sa anumang kadahilanan ay walang oxygen na dadaloy sa heart muscle at ito ay titigil sa pagtibok. (Rhoderick BeƱez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

 

 



No comments:

Post a Comment