FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, May 6, 2021

Ayaw gumamit ng face mask, face shield aarestuhin na!

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte sa awtoridad na dakpin ang lahat ng mga hindi gumagamit o maling paglalagay ng face mask at face shield.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque at sinabing: “Ang mensahe ng Presidente ay kinakailangang ipatupad ang minimum health standards kasama po yung tamang pagsuot, hindi lang po ng face mask, kundi pati rin po yung face shield.”

Bukod sa tamang pagsusuot ng face mask at face shield, dapat rin sundin ng mga mamamayan ang mga kautusan ng national at local governments upang masugpo o mapigilan ang pagkalat ng Covid-19, kasama na ang pagpapatupad ng curfew hours.

Sinabi pa ni Roque na ang kautusan ni Duterte ay nakabase sa mga lokal na ordinansa o batas. At kung walang ordinansya ukol dito ay maaring ikulong ng pulisya ang mga lumabag sa health protocols sa loob ng 12 oras at pakawalan kung walang kaso laban sa kanila.  

“Arresting violators will be based on local ordinances or a law. In the absence of such ordinances, Roque said that violators will be detained only for a maximum of 12 hours and will be released if no charges have been filed, as stated in the Revised Penal Code,” ani Roque na tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ng pamahalaan.

“Ang mensahe po ng Presidente sa ating kapulisan at sa taong bayan, para po sa ating kapakanan ang pagsunod sa minimum health standards at ipapatupad lang po natin yan dahil sa panahon ng pandemya, kinakailangan po sumunod ang lahat lalong-lalo na po sa pagsusuot ng face mask at ng face shield,” dagdag pa ni Roque.

Nilinaw rin nito na ang paghuli sa mga health protocol violators ay hindi maituturing kaparusahan. “Apprehending the violators of the minimum health standards is not a punishment in itself. Bago mo mapagawa sila ng community service kailangan ma-apprehend mo muna sila, and that’s what the President says, i-apprehend yung mga lumalabag sa minimum health standards,” paliwanag pa ni Roque.

“The police have the authority to apprehend if they themselves saw or witnessed the violation to a law or an ordinance. Ang paglabag sa ating minimum health protocols, dahil mayroon tayong ordinansang nagpapatupad niyan, ay nagbibigay daan para nga magkaroon ng outright apprehension, warrantless arrest dahil a crime was committed in the presence, and with a full personal knowledge of, a police officer,” wika nito. (With additional reporting from Mindanao Examiner.)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment