FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, May 5, 2021

‘Barangay Sita Task Force’ binuo!

‘Health protocols violators, hahabulin’

TUMULONG NA rin sa wakas ang mga opisyales ng barangay at mga tanod sa pagpapatupad ng health protocols sa kanilang mga nasasakupan, ito’y matapos na maglabas ng isang executive order si Mayor Beng Climaco.

Mga violators ng health protocols sa Barangay Guiwan. (Zamboanga Post)

Kamakailan lamang at binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay chairmen na mabibigo sa pagpapatupad sa health protocols dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa. Sinabi ni Duterte na ang mga mayor ang may superbisyon sa mga barangay chairmen kung kaya’t dapat silang sumunod sa kautusan.

“Now, itong mga barangay captain ang problema kasi maliit ang barangay. Do not give me that shit about hindi mo alam. So the Local Government will go after you administratively and criminally,” ani Duterte.

Sa Executive Order BC 653-2021, ipinag-utos ni Climaco ang pagbuo ng “Barangay Sita Task Force” sa lahat ng 98 barangays ng Zamboanga na siyang magpapatupad ng health protocols upang pigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Ang barangay chairman at ang hepe naman ng pulisya at militar sa naturang lugar ang magsisilbing pinuno ng Barangay Sita Task Force na kabibilangan ng mga chairpersons ng Sanguniang Kabataan, Barangay Health and Sanitation, Peace and Order at Disaster Committees, gayun rin ng Barangay Information Officer, Tanods at mga miyembro ng Barangay Information Network, Purok leaders, Barangay Health Workers at mga Nutrition Scholars, at Social Worker. 

Sa kasalukuyan ay mahigit 150 bawat araw ang naitatalang bilang ng Covid-19 sa lungsod at posibleng umabot o lumagpas pa ito ng 3,000 kaso bago matapos ang buwan.

Maging ang mga Netizens ay nagsusumbong sa Facebook page ni Climaco sa talamak na paglabag ng maraming tao sa health protocols sa ibat-ibang mga barangay. Likas umanong matigas ang ulo ng mga residente at ngayon tumataas ang Covid-19 cases ay isinisisi naman ito kay Climaco sa kabila ng paulit-ulit na paalala nito na sumunod sa health protocols.

Sa kanyang executive order, ipinag-utos ni Climaco sa lahat ng Barangay Sita Task Force na magsagawa ng random roving sa kanilang mga lugar upang masigurong nasusunod at napapatupad ang health protocols – paggamit ng face mask at face shield, at physical distancing at iba pang mga kautusan kaugnay sa Covid-19. May mga pena ang mga lalabag sa minimum health protocols.

Dapat ay matagal na umano itong ipinatupad ng mga opisyales ng barangay kahit walang executive order mula kay Climaco. Motu proprio na ito sa mga opisyales ng mga barangay bilang bahagi ng kanilang tungkulin, subali’t hindi naman nila ginawa sa kabila ng pandemnya, bagama’t may mga ilang opisyales rin ang kusang nagpapatupad ng health protocols ngunit hindi naman ito regular.

Wala rin makitang mga opisyales ng barangay at mga tanod na regular na nagpa-patrulya sa kanilang lugar upang ipatupad ang health protocols at iba pang mga ordinansa o batas. At halos lahat ay iniaasa na lamang kay Climaco o sa lokal na pamahalaan, sa pulisya at militar, ang bawat problema at solusyon nito. 

Maging ang road clearing operations na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ay nag-mistulang ningas-kugon lamang sa ibat-ibang barangay dito. (Zamboanga Post) 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment