FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, May 5, 2021

Duterte, takot mahawa, matigok sa Covid-19

INAMIN NI Pangulong Duterte na takot itong mahawa at mamatay sa Covid-19 dahil na rin sa katandaan nito at mahinang resistensya ng katawan kahit pa nabakunahan na ng Chinese vaccine na Sinopharm.

Makikita sa larawan ang pagturok ng Chinese vaccine na Sinopharm vaccine kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo. (King Rodriguez)

Dahil dito, muling umapela sa publiko si Duterte na sumunod sa health protocols na ipinatutupad sa bansa sapagka’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ibat-ibang lugar.

Maging ang mga community pantries na naglalayun tumulong sa mga mahihirap at nagugutom ay hindi rin pinaglagpas ni Duterte dahil sa posibleng hawaan ng Covid-19.

“Itong mga tao, matigas kasi ulo ninyo. Ayaw ninyong maniwala, nagsabi na nga na mabuti pa mag-istambay ka na lang ng bahay. Alam mo hindi ito biro. 'Pag tinamaan ka ng Covid, it's kamatayan. Usually madala diyan two days patay. Karamihan iyong mga severe cases. Iyong iba nililibre pero 'yong namatay, two days tapos.”

“Now ngayon kung gusto --- hindi ko kayo tinatakot, sinasabihan ko kayo gamitin ninyo utak ninyo. Delikado ang pandemya. It's not a --- hindi laro ito o sakit-sakitan. Pagka tinamaan ka nito, wala na. Mabuti pa ang rabies. You have about 14 days of or so acting like a mad dog. Kaya pati ako takot. Pati ako nagsasalita ngayon hindi ko talaga masasabi sa inyo mabuhay ako bukas o mamatay ako. Iyan ang totoo talaga. Ako mismo

nagsabi sa inyo. Hindi ako nanunungo sa ibang tao, nang-iinsulto kaya ako sinasali ko na ang sarili ko. 'Pag ako ang tinamaan, there's no way sa katanda ko, there's no way of telling whether I would live to see the light of day the following day,” ani Duterte. 

Sinabi ng Pangulo na maraming mga mamamayan ang hindi nakakaintindi sa peligrong dala at dulot ng pandemya. Wala rin umanong sapat na pera ang pamahalaan upang mabigyan ng ayuda ang lahat ng mga nagugutom at mahihirap na pamilya. 

“So intindihin ninyo iyang sakit na 'yan, it's a very... I could not even find the word to describe it. It’s very lethal. Nakikiusap ako sa inyo, hindi naman kami... Alam mo kasi

kung marami lang tayong pera, puwede ako magtapon ng pera. Pero wala akong pera at hindi naman ninyo masisi ang gobyerno. Tutal nauna kami, nauna kaming nagbigay ng P5,000 per individual. You know, just to ipakita sa inyo na ang gobyerno may kakaunti lang nga pero ang gobyerno may ginagawa.”

“Ikumpara mo diyan sa makipag-rambol ka diyan tapos dalhin mo 'yong sakit mo sa --- iwasan niyo. Kaya ito ang nangyari, hindi ko kayo mapigilan eh 'yong sa salita lang na

huwag, ganito, ganito. 'Pag pinilit ninyo talaga akong hindi maging strikto. Pinilit lang ninyo ako na i-implement 'yong batas. Eh kaya I directed Secretary (Eduardo) Año sa DILG, ito ang gawain mo. Tutal it is always wrong, it is a crime to do that,” sabi pa ni Duterte sa kanyang paglalarawan sa peligro ng umpukan ng mga tao sa community pantries na nagsulputan sa ibat-ibang panig ng bansa.

Naunang hininiling ng DILG na ipagbawal na ang mga community pantries nilalabag ng mga tao ang health protocols. Matatandaang isang senior citizen ang hinimatay at kalaunan ay nasawi habang nakapila sa community pantry ni Angel Locsin. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments:

Post a Comment