FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, May 12, 2021

GAGO, STUPID!

‘Pangako ni Duterte na mag-jet ski sa Spratly, joke lang daw’ 

Presidente Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte (Alfred Frias)

TINAWAG NI Pangulong Duterte na “gago at stupid” ang lahat ng mga naniwala sa kanya ng sabihin nitong sasakay siya ng jet ski at papunta sa Spratly Islands dala ang watawat ng Pilipinas upang pagtibayin ang pag-angkin ng bansa sa naturang lugar na inako ng China. 

Sinabi ito ni Duterte sa publiko sa kasagsagan ng kanyang pangangampanya noong 2016 ng tanungin kung anong hakbang ang gagawin nito sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea. 

Inamin ngayon ni Duterte na ito ay isang biro lamang at nag-yabang lamang umano noong nangangampanya sa pagka-Pangulo. Ang pag-amin ni Duterte ay sa kabilang ng kaliwa’t-kanan na hamon at batikos sa kanya ng maraming mga Pilipino at pulitiko na isang “tuta” ng China. 

“Okay. Now, let us end this by --- with an explanation itong Jet Ski brouhaha. Alam mo, panahon ng kampanya ‘yon. Hindi siguro sanay itong mga gago na ng style ko sa kampanya, pati ‘yong bunganga ko ngayon. Nag-yabang ako na pupunta ako sa Spratly, magdala ako ng flag nang sakay ako ng jet ski. Nag-plano ako niyan. Bumili ako ng jet ski, ang kaya ko second-hand lang. So nag-order ako ng piyesa, (pero) hanggang ngayon hindi pa dumating since then. Eh walang dumating ‘di wala akong magawa,” paliwanag pa ni Duterte. 

“So ganoon. When I was plotting, nagpa-plot ako kung saan ako mag-daan, nakita ko doon eh ilan naman ‘yong tangke ng jet ski? Kailangan ko ng gasolina, supply. Eh pagtingin ko puro dagat, wala man akong makitang gasoline station along the way. Ah sabi ko, mahirap ito. Dito tayo mamatay nang walang kakwenta-kwenta. So ‘yan ang istorya. Ngayon, paano ‘to? Panahon sa kampanya ‘yan. At saka ‘yong biro na ‘yon, we

call it bravado, ‘yong bravado ko that was just a pure campaign joke. At kung naniniwala kayo sa kabila, pati na siguro si (former Supreme Court Associate Justice Antonio) Carpio, pati si - I would say that you are really stupid,” dagdag pa ng Pangulo. 

Ipinagtanggol rin ni Duterte ang China sa publiko dahil na rin sa mga ibinigay nitong mga Sinovac Covid-19 vaccines sa bansa kung kaya’t may utang na loob ito kay President Xi Jinping. 

Alam mo, it is never, never wrong to say that I owe you a debt of gratitude. Totoo eh. Binigyan tayo, tinanggap natin, ginamit natin, but it does not mean na tanggapin ko ‘yong bakuna at tapos sabihin ko kalimutan ko na ‘yong claim diyan sa West Philippine Sea, okay na ‘yon dahil sa bakuna. It is never like that. The world does not operate like that. The international relations would never work in that kind of - na gamitin mo ‘yong…anak ng jueteng itong mga… Kayo, kayo ginamit pala rin ninyo eh tapos ngayon sabinin ninyo na ganito, ganyan. So I said, it’s never wrong to admit a debt of gratitude. But it would be wrong to use it as an excuse to maybe retreat from your - sabi ko, there will be no compromise,” sabi ng Pangulo.

“Alam ng China ‘yan, maski bahaan tayo dito ng vaccine, gagamitin ko pa rin pero sabihin ko hindi ito ‘yong kabayaran. Iba ito, this is Philippine national interest, this is not a health issue that nagpasalamat ako. And let me just also say itong history ng, ito for public consumption na ito. Tumawag ako kay President Xi Jinping...sabi ko, - Mr. President, I would like to ask for your help. Until now, the Philippines is really at a loss of how to get the vaccines, - (at) sabi niya It’s okay, we will help you.” Ganoon lang. Hindi naman niya sinabi, (na) kalimutan mo ‘yong Scarborough Shoal, bibigyankita. Sabi ko, thank you Mr. President,” dagdag pa ng Pangulo. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

 



No comments:

Post a Comment