Thursday, May 27, 2021

South Cotabato board member, nadale ng Covid-19

SOUTH COTABATO – Patay ang isang miyembro ng South Cotabato Provincial Board matapos itong tamaan ng Covid-19 sa edad na 47 lamang.

Kinilala ang nasawi na si Board Member Wilson Paclibar at dahil sa kanyang pagpanaw ay labis ang kalungkutang iniawan nito sa mga kasamahan at mamamayan ng lalawigan.

Inihayag rin ni Vice Governor Vic de Jesus ang malungkot na balita at kumpirmadong Covid-19 ang nakadale kamakailan lamang sa masipag na pulitiko.

Ayon kay de Jesus, huli nilang nakita si Paclibar sa virtual session noong Mayo 10 dahil ipinaalam umano nito sa kaniya na nagkaroon ito ng sintomas ng Covid-19 at kinabukasan, Mayo 11 nang lumabas ang swab test result na nag-positibo ito.

Ikinalungkot rin ng mga konsehal sa buong lalawigan ang pagpanaw ni Paclibar lalo na't marami itong naitulong sa kanila bilang presidente ng Philippine Councilors League - South Cotabato chapter.

Agad rin nai-cremate ang labi ni Paclibar at nakalagak ang abo nito sa kanilang tahanan sa bayan ng Tantangan. Mabilis rin nag-quarantine ang mga miyembro ng pamilya ni Paclibar na nagkaroon ng contact sa kanya bilang paniguro.

Ang yumao ay nagsilbing presidente rin ng Sanguniang Kabatanaan Federation noong 2002, at 2019 nang ito ay naihalal bilang municipal councilor sa bayan ng Tantangan bago napiling maging PCL President ng probinsya. Umupo ito bilang ex-officio member sa Sangguniang Panlalawigan. (Rhoderick BeƱez)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

 

 

No comments:

Post a Comment