Monday, May 3, 2021

Sumuko na ba si Duterte sa China?

SINABI NI Senador Panfilo Lacson na hindi dapat magbitiw ng salita si Pangulong Rodrigo Duterte na tila sumusuko sa pakikipaglaban sa China sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa.

Matatandaang sinabi ni Duterte - na siya rin Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines - na wala itong balak magpadala ng mga barkong pandigma sa West Philippine Sea kahit pa inangkin ng China ang Julian Felipe Reef sa loob ng ating exclusive economic zone, ilang milya lamang mula sa Palawan.

“Hindi nararapat para sa Commander-in-Chief na maglabas ng mensaheng magbubunsod ng interpretasyon na tila sumusuko na ang pamahalaan sa pakikipaglaban sa Tsina para maangkin ang bahagi ng West Philippine Sea,” ani Lacson, ang chairman ng Senate Committee on National Defense, makaraang ihayag ni Duterte na maaring mauwi sa madugong sagupaan ang sitwasyon kapag pinilit ng Pilipinas na igiit ang pang-angkin nito sa mga lugar.

“He’s the leader of our country and he’s the Commander-in-Chief of our armed forces. He can think of anything and speak about anything except surrender. Remember, we have an arbitral ruling in our favor and it’s permanent although it’s unenforceable. There are so many things to think about except surrender. We cannot wave the white flag, so to speak,” ani Lacson sa panayam ng CNN Philippines.

Ayon kay Lacson, posibleng malagay sa alanganin ang kasarinlan ng Pilipinas kapag hindi ito nasolusyunan. “I am not saying the President is actually raising the white flag but that’s the implication. If the officers and men of the AFP would take it that way, it could be disastrous to Philippine sovereignty,” wika pa ni Lacson.

Ayaw umano ni Duterte na makapag-away sa China dahil sa posibleng pagsiklab ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa. 

“Ang akin diyan is walang iba, giyera lang. If we promote a war against China and America, medyo siguro mamadalian. Pero at what cost to us? Iyan ang problema, iyan talaga ang problema. But we can retake it only by force. There is no way that we can get back the…tawag nilang Philippine Sea without any bloodshed. Iyan talaga ang totoo. Maski na anong sabihin ng mga military, na may iba diyan na ano alam ko na walang ginawa. You know the cost of war.” 

“And if we go there really to find out and to assert jurisdiction, I said, it would be bloody. It will result in a violence that we cannot maybe win. Ang problema nito we have always, well, sided with America in so many issues, including this one. Pero kung sabihin mo that America will go to war because of the Philippine Sea tapos tayo ang mag-umpisa, ang sa ano doon that, alam mo doon sa Mutual Defense Treaty, I don’t know if I’m right, only if we are being attacked and assaulted. It does not include a war that is initiated by us,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na wala itong balak na magpadala ng mga naval ships sa Julian Felipe Reef o sa West Philippine Sea dahil hindi nito kaya ang China.

“We do not send gray ships to, war ships diyan, na para ipakita lang natin sa Pilipino na maski na ilang balik natin doon, wala talagang mangyari because we are not in the possession of the sea. Sa kanila eh,” ito ang pag-amin ni Duterte sa kabila ng mga batikos sa kanya ng publiko sa pagiging pro-China nito at kabiguan na ipag-laban ang karapatan at teritoryo ng bansa. 

“Kaya nga ang China kung hanggang diyan lang, ‘wag ka lang maggulo, you claim there even if you go there and then wala ring mangyari kasi kanila talaga eh, para sa isip nila kanila. Even if I go there, I said, with (Defense) Secretary (Delfin) Lorenzana, and sail there and ask questions, wala mang mangyari. Sasagutin ka lang, but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back,” paliwanag pa ni Duterte. 

Papalagan lamang ni Duterte ang China kung magsisimula itong mag drill ng langis sa West Philippine Sea. “Ako totoo ‘yan, ‘pag mag-umpisa na sila ng drill ng oil diyan, sabihin ko talaga sa China, is that part of our agreement? Because if it is not part of our agreement, I’m going to also to excavate, to drill my oil there. If you own it, I own it. I do not want a quarrel, but that is how it is. Noon ko pa sinabi ‘yan, iyong pagkatapos na nag-usap kami ni President Xi Jinping na sinabi ko na I will get my oil also. Sabi niya, “Please don’t. We just leave it that way in the meantime,” ayon pa kay Duterte. 

Tikom naman ang bibig ni Duterte sa pag-angkin ng China sa Julian Felipe Reef at sa mga barko ng Chinese militias doon. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates



No comments: