FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, July 4, 2021

Round 1: Duterte vs. Pacquaio

BINANATAN NI Pangulong Rodrigo Duterte ang ka-partido nito sa PDP-LABAN na si Senador Manny Pacquiao matapos na sabihin ng mambabatas na talamak ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.

 Si Presidente Rodrigo Duterte habang inaalalayan si Senador Manny Pacquiao sa MalacaƱan Palace. Kuha ang larawang ito noong August 1, 2016. (Rey Baniquet / Presidential Photo)

ANG PDP-LABAN o Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan ang siyang ginamit ni Duterte sa kanyang kandidatura at nagsilipatan ang halos lahat ng mambabatas sa nasabing partido ng magwagi ito sa halalan noong 2016.Si Duterte ang tumatayong Chairman ng PDP-LABAN at si Pacquiao naman ang Presidente nito. 

At sa kanyang banat, hinamon ni Duterte si Pacquiao na maglabas ng ebidensya sa akusasyon nito. 

“So I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala. Within one week may gawain ako. Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming corrupt, ilista mo ‘yong mga tao at opisina at dapat nilista mo na ‘yon at ibigay mo sa akin. ‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that there is a corruption, let me know. Give me the office and the…ganoon ang dapat ginawa mo. Wala ka naman sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin tapos ngayon sabihin mo corrupt.”

“Saang corruption? Anong opisina? Kasi pagkaalam ko wala. DPWH noon was really, had the notoriety of…pero wala akong nakita ngayon na may corrupt. Mayroon marami na pero napaalis na. Naunahan na kita. Every administration will have its share of the problem of corruption. Do not ever think that if you will win as President, na wala ng corruption dito sa Pilipinas. And for your dream of giving everybody houses in six years’ time, just what,  just like what Senator Enrile said - Good luck na lang. You must be dreaming,” ani Duterte sa kanyang virtual presser na ang paunang salvo ay banat agad sa oposisyon.

“Remember that kayo ang nagbabayad sa aming suweldo. Ang bayaran ninyo ganito, bayad kayo then we promised to work for you, at wala sa aming trabaho na magsinungaling. What you hear from the mouths of the speakers are really the truth of what’s the state of the Philippines today. Kaya sabi ko kung gusto ninyo ang totoo, makinig lang kayo dito sa amin. Ngayon, kung gusto ninyo na makinig ng mga bola at, you know, selfaggrandizement, advertisement of their talent and all, you listen to the opposition. Maaaliw kayo sigurado ako. Pero dito ang usapan natin ang totoo lang at bayad kami para magsabi ng totoo. Iyon ang trabaho namin,” wika pa ni Duterte sa kanyang pambungad.

Bise Presidente

Inilutang rin ni Duterte na posible itong tumakbo bilang Bise Presidente sa susunod na taon at tinawag pang kontra-partido si Pacquiao. May mga balitang tatakbo si Pacquiao sa pagka-Pangulo at posibleng makalaban nito ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Carpio. 

“Mayroon ako ditong dinagdag, running for vice president, ako. Ah sabihin ko it’s not at all a bad idea and if there is a space for me there, siguro. Pero kung wala akong space, everybody is crowding up wanting to be one, vice president, sila na lang muna kasi tapos na ako eh. But there are things I’d like to continue and that would be dependent on also of the President that I will support. Kasi kung mag-vice president ako then kalaban ko kontra-partido kagaya ni Pacquiao, salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt,” sabi pa ni Duterte.

Hinamon rin ni Duterte si Pacquiao na magsiwalat ng ebidensya ng kanyang akusasyon sa Senado. At kung walang maipakita si Pacquiao ay ikakampanya nito sa publiko na huwag itong iboto sa halalan. 

“Ngayon, kung itong si Pacquiao may nalaman siya na ano, sabihin niya anong opisina at sino ‘yon. You have the, you know, the privilege of not being arrested when you say it inside the halls of Congress because as a matter of privilege, you cannot be questioned anywhere. So maghintay ako sa listahan mo at ang mga tao. Matagal na man tayong magkaibigan, hanggang kahapon o noong isang araw ka lang nagsabi na corruption,” ani Duterte.

Kilala Kita

Isisiwalat rin umano ni Duterte sa publiko ang buhay ni Pacquiao na matagal nitong naging kaibigan at namu-mulitika lang umano ang mambabatas. Minura rin nito si Pacquiao sa kanyang virtual presser na napanood sa buong bansa.

“Kung hindi, namumulitika ka lang and I would say na… I will be, if you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people - Do not vote for Pacquiao because he is a liar. At saka madali, parang kalabaw na kung saan niyo na lang bibirahin, pupunta doon. I am not questioning your ability intellectually or what, but kapag hindi mo nagawa 'yan, araw-arawin kita, I will expose you as a liar. At 'yong buhay mo, kilala man kita noon pa.”

“Then, we should start also because you are going for public office, presidency, everybody should know. But ito, I'll put you on notice na isasabi ko lahat at kakalabanin kita sa panahon ng eleksyon. Pag hindi, you'll just be another son of a bitch playing politics,” dagdag pa ni Duterte.

Counter Punch

Mistulang Round 1 sa boxing ang bangayan nina Duterte at Pacquaio matapos na tanggapin ng mambabatas ang hamon ng Pangulo. Sinabi pa ni Pacquiao hindi siya sinungaling at naglabas rin ito ng kanyang pahayag.

“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra korapsyon. Ang Pangulo mismo ang nagbanggit sa kanyang pahayag noong October 27, 2020 na lalong lumalakas ang korapsyon sa gobyerno. In his own words sinabi niya na - I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina lumalakas pa lalo - Mr. President I feel the same way,” ani Pacquiao.

“Mawalang galang po mahal na Pangulo, nguni't hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni't dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” dagdag pa nito.

At sinabi pa ni Pacquiao na dapat simulan ang imbestigasyon sa Department of Health o DOH.

“Magsimula tayo sa DOH. Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, PPE , masks at iba pa. Handa ka ba Sec. Francisco Duque na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya? Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,” ani Pacquiao. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates




No comments:

Post a Comment