FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, August 22, 2021

Putang Ina yan COA: Duterte

GALIT ANG Pangulong Duterte at minura ang Commission on Audit (COA) matapos na ilabas nito ang mga resulta ng audit o preliminary reports ng ibang-ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang P67-billion deficiencies umano sa Covid-19 funds ng Department of Health (DOH).

Presidente Rodrigo Duterte

Agad naman itinanggi ng DOH na may anomalya sa ahensya at ayon kay Secretary Francisco Duque ay napahiya ng husto ang lahat ng nasa kagawaran dahil sa inilabas ng COA.

 

Winarat nito kami, winarat niyo ang dangal ng DOH...hindi kami makaharap sa mga tao...wala pa rin akong tulog, ilang gabi na po ito. This is unfair, unjust that this judgment been handed down, clearly without giving the DOH the full 60 days within which we should have given our rejoinder. Masakit po talaga sa amin ito... nagkakasakit na mga tao ko, nag-isolate, nag-quarantine, may namatay na. Por Diyos por santo maawa naman kayo,” ani Duque sa ginawang pandninig ng House ukol sa report ng COA.

 

Agad rin ipinagtanggol ni Duterte si Duque at pinangunahan ang kalihim na huwag nag-resign sa kanyang puwesto. Inamin naman ni Duterte na hindi lamang DOH ang na-flagged o pinuna ng COA, ngunit maging ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at si Secretary Carlito Galvez, na siyang in-charge sa pagbili ng mga Covid vaccines. Si Galvez rin ang peace adviser ng Pangulo at pinuno ng Office of the Presidential Adviser of the Peace Process.

 

Subali’t marami pang ibang ahensya ang pamahalaan ang isinaman ng COA sa kanilang mga reports. Kasama dito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na bumili ng hygiene kits, sanitary napkins at thermal scanners na umabot sa P1.269 million mula sa isang construction at trading firm sa Pasay City, ngunit wala naman ito sa address na ibinigay ng OWWA.

 

“Hindi lang ito pati 'yung DILG may nababasa ako, pati 'yung kay Secretary Galvez, mayroon din, flagged, puro flagged, flagged, flagged down. Stop that flagging, Dod damn it! You make a report. Do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. The flagging is spelled f-l-a-g-g-e-d. Ang ginagawa ninyo is f-l-o-g-g-i-n-g. Flogging, hampas. Eh huwag naman sige kayong flag nang flag. Tapos wala namang napreso, wala naman lahat. And yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception. You cannot... You know, this COVID-19 will never be won by the way you are also behaving,” ani Duterte.

 

Ipinag-utos rin ni Duterte sa mga taga-gobyerno, partikular sa mga may kinalaman sa Covid-19 response, na gawin nila ang lahat at kahit mangutang pang muli at huwag sumunod sa kagustuhan o abiso mula sa COA.

 

“Ang utos ko ganoon. Kung wala kayong, sa lahat sa gobyerno, especially connected with COVID --- kung wala, mag-utang kayo. Hindi ako papayag, na you do everything you can. Mamamatay na, kita mo 'yung mga frontliners tapos wala kang ibigay na suporta. By the way, itong frontliners, unahin mo na lang. If there is enough money, bayaran mo 'yung...Tsaka 'yung mga medisina ulit utangin mo. Huwag mong sundin ‘yang COA. Putang ina ‘yang COA-COA na ‘yan. Wala namang mangyari diyan,” wika pa ng Pangulo sa kanyang utos kay Duque.

 

Maging ang mga pahayagan ay tinira rin ni Duterte sa paglalabas ng COA preliminary reports ng mga ahensya ng pamahalaan lalo na ngayon papalapit ang halalan. “Iyan ang ayaw ko, iyang flagging-flagging eh. It creates a conundrum pati na, alam mo political season na ngayon. Kanya-kanyang banat, kanya-kanyang criticism itong mga newspapers akala mo as if they are the epitome of propriety and decency,” sabi pa ni Duterte.

 

Batikos

 

Umani naman ng batikos si Duterte mula sa mga mambabatas at sinabing hindi dapat pinapakialaman nito ang COA dahil isa itong independent body.

 

“Sabi siya nang sabi na galit siya sa korapsyon pero hindi naman niya sinusuportahan ang COA na siyang pangunahing ahensya na nagsusuri sa tama o maling paggastos ng gobyerno sa pera ng taumbayan. Spending our people's money means that it has to be done in accordance with the law. If they cannot comply with the law, then they have no business spending our money. Kung hindi susundin ang tuntunin sa tamang paggastos ng pera ng taumbayan, hindi malalaman ng tao kung ginagamit ba ng tama ang mga buwis na pinaghirapan nilang bayaran o kung ninanakaw lamang ng mga kurakot na opisyales ng gobyerno,” ani Senator Leila de Lima.

 

Sinabi naman ni Senator Ping Lacson na dapat huwag matakot ang COA sa tirade ni Duterte. “First, the Commission on Audit is a constitutional body which is independent of the executive or legislative branches of government, and certainly not under the Office of the President of the Republic. It has a mandate to perform, and no one can dictate on them. Second, COA findings and recommendations are public documents. Transparency dictates that the public must be informed of how public monies are spent.”

 

“That said, the President is out of line in publicly castigating the COA, which is just performing its mandate and responsibility to the people and the Constitution. For its part, the COA should not be cowed by intimidating statements, even those coming from the Chief Executive. In fact, those in the COA should proceed with more vigor, courage and independence,” pahayag pa ni Lacson.

 

Maging si Senator Riza Hontiveros ay nanindigan sa panig ng COA. “The Commission on Audit is an independent, constitutional body designed to check on the President and other government instrumentalities. The president cannot exempt any agency from audit procedure, or worse, encourage them to defy COA’s jurisdiction. Trabaho ng COA na mag-release ng mga reports, lalo na ngayong pandemya dahil mabilisan ang paggasta at napakaraming emergency procurement. COA only ensures that accountability would never give way to haste, especially on the pandemic budget,” wika ni Hontiveros.

“Imbes na pigilang gawin ang trabaho nila, dapat pa ngang pasalamatan natin ang COA, dahil sa pamamagitan ng kanilang report, itinuturo nila ang mga kailangang itama at bigyang linaw ng Department of Health. Akala ko ba ay hangad ng administrasyon na wakasan ang kurapsyon? Bakit gigipitin nanaman ang isang ahensyang sumusubaybay at nagbabantay sa bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan? Bakit parang gusto yatang hawakan sa leeg ang isang independent, constitutional body, pero ayaw naman papanagutin at padaanin sa proseso ang ahensyang pinagpapaliwanag lang naman? Kampihan ba ang magpapatakbo sa bansang ito?” dagdag pa nito.

Shit

Noong September 2018 ay binira rin ni Duterte ang COA matapos na magsumbong sa kanya si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ukol sa COA circular. Sinabi pa ni Duterte na ihulog na lamang sa hagdanan ang mga COA auditors upang hindi na makapaglabas ng kanilang reports.

 

“Sino’ng taga-COA dito? Ihulog mo na sa hagdan para ‘di na maka-report. Maniwala ka diyan COA na ‘yan. You know you just do it by circular and expect everybody to obey. Mga circular... ano’ng paki-alam ko? Inyo ‘yan. Kaya yan circular circular...’di mo malaman circular nila ano pakialam ko putang ina circular mo. Kaya nga circular lang yan eh. Make it a law or a regulation but don’t give that shit of a circular,” wika nito. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment