FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, September 26, 2021

Suporta sa ‘Isko – Doc Willie’ tandem bumuhos

BUMUHOS ANG suporta ng publiko at mga pulitiko kay Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong matapos nilang i-anunsyo ang kandidatura para sa pagka-Pangulo at Bise-Presidente.


Pormal ko na pong inanunsyo ngayong araw ang aking aplikasyon para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, ang maging Pangulo ng bawat Pilipino. Ako po ay buong kababaang loob na humaharap sa inyo kasama ang aking partner na si Doc Willie Ong upang maghandog sa inyo ng isang Bilis Kilos na serbisyo. Samahan niyo po kami sa laban na ito. Sama sama tayo tungo sa Bagong Pilipinas. Pilipinas, God first!,” ani Isko.

Marami na rin mga mga mambabatas mula sa partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban at iba pa ang nagpahayag ng kanilang suporta kina Isko at Doc Willie, at maging mga mayors at gobernador ay nagpahiwatig na rin ng kanilang suporta sa dalawa, kabilang sa mga ito ay si dating Senador Serge Osmeña, at mag-asawang sina Senador Protempore Ralph Recto at House Deputy Speaker Vilma Santos. 

Matapos ng anunsyo nina Isko at Doc Willie ay nagsimula na rin ang atake ng mga trolls laban sa kanila, ngunit binalewala lamang ito ng dalawa.

“Isko is really from the poor. He is not a rich-poor man like (Presidente) Digong. Digong came from upper middle class family in Davao. Although he pretends to be poor, he’s not poor. Isko was really poor, but he made himself. He went to school, he went to different institutions in the United States to study further. He made something out of himself. He’s going to be a pretty good candidate,” ani Osmeña.

Sinabi naman ni Recto na na: “Mayor Isko has the training, skills, experience and leadership to be an outstanding president. He has shown this as mayor of Manila most especially during this pandemic. He is young, energetic and implements his programs quickly in ‘Bilis Kilos’ fashion.”

At ayon naman kay Santos: “We will support him. Mayor Isko is an inspiring and God-loving leader and we can see his drive to serve the Filipino people with a heart, hope and action. With what he did to Manila, especially during this pandemic, we saw his focus and sincerity as a leader.”

Nangako naman si Isko na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa at ng mamamayan. “I do not run on promises. I run on prototypes. While I believe in the power of examples, I also recognize the need for constant innovation. I may not give you a perfect government but together, we can make it better,” ani Isko.

Naniniwala kami ni Doc Willie Ong sa kakayahan ng mga kabataan. Sila ay makakapagbigay ng bagong kaalaman at pamamaraan para mas maging epektibo at kapaki-pakinabang ang pamahalaan. Para sa mga kabataan, pumasok kayo sa gobyerno at maging kaagapay sa pagtaguyod ng Bilis Kilos na serbisyo,” dagdag pa nito. 

Sinabi ni Isko na dapat ay magkaisa ang lahat ng mga Pilipino upang muling ibangon ang bansa mula sa kayurakan at pagkakahati-hati. “Alisin na natin ang pagkakahati-hati sa ating bansa. Ang ating bansa ngayon ay nahahati sa iba't ibang kulay pulitika. Alisin na natin ito, hindi tayo dilaw, pula o anumang kulay. Tayo ay Pilipino, kulay moreno.

Ang inyo pong lingkod kasama ang aking partner na si Doc Willie Ong ay naglalayong isulong ang isang bansang nagkakaisa,” wika pa nito. 

Inamin rin ni Isko na galing ito sa hirap, mula magbabasura hanggang sa pasukin ang iba’t-ibang trabaho at maging artista at ngayon mayor ng Maynila, at nagsikap upang maabot ang mga pangarap sa buhay. 

“I have pulled myself out of the gutter. Hindi po ako pinanganak nang may gintong kutsara sa bibig. Mula ako sa isang pamilyang nakipagsapalaran sa Maynila. Ang tatay ko pong tubong Antique, isang istibador sa Pier. Ang nanay ko naman pong tubong Samar, isang labandera sa Tondo. Mahirap man ang naging buhay, hindi ito naging hadlang sa amin para makaahon mula sa aming kinalagyan. Sana po maging inspirasyon ito sa bawat Pilipino. Patuloy tayong mangarap. Patuloy tayong magsikap.

Hindi sumusuko ang Pilipino sa anumang hamon sa buhay,” salaysay pa nito. 

Umusbong na rin sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao ang mga grupong sumusuporta kay Isko at Doc Willie at maging sa social media ay aktibo na rin. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment