FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, October 7, 2021

Inday Sara, ayaw ng tumakbo!

DAVAO CITY – Sa kabila ng panawagang tumakbo sa pagka-Pangulo sa susunod halalan, tuluyan na itong tinangihan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Inday na hindi kailangan ang posisyon upang makatulong sa bayan at humingi rin ito ng paumanhi sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya. 

Ito ang pahayag ni Inday: “Masakit din para sa aking damdamin na sana’y magpaubaya sa mga kaibigan na hindi ko maibigay ang gusto ninyo. Gusto ko po sana tapusin muna ang huli kong termino sa Mayor bago ako manungkulan sa ibang position.” 

“Madami sa inyo ang nasasaktan, sumama ang loob at nawalan ng pag-asa pero puwede pa rin tayo magtulungan para sa ating bayan, di kailangan ng position, di kailangan ng tayo ay Pangulo upang makatulong. Gawin natin ang pagtulong sa kapwa sa araw-araw natin na pamumuhay. Maraming Salamat po.” 

Ngunit sa kabila ng kanyang pahayag, marami pa rin ang naniniwalang political strategy lamang ito matapos sabihin ng kanyang amang si Presidente Rodrigo Duterte na tatakbo si Carpio bilang presidente at running mate ng dating alalay nitong si Senador Bong Go. 

Hindi naman agad mabatid kung may kinalaman ba ang desisyon ni Inday sa kandidatura ni Bongbong Marcos sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas. Si Marcos ay anak ng dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos. 

Naunang sinabi ng kapatid nitong si Davao City Vice Mayor Baste Duterte na himalang magbago ang isipan ng kanyang Ate. Naghain na si Inday ng kandidatura bilang mayor – ang ikatlo at huling termino nito. “Nangyari na ‘'yung nangyari. Kung saan siya masaya, kung mas comportable siya sa re-election, kung ano ang gusto ng kapatid ko, doon tayo, doon ako,” ani Baste. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment