FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, October 17, 2021

Turukan ng bakuna habang tulog!

MATAPOS MULING sumablay sa kanyang banta na ipakukulong ang mga ayaw magpa-bakuna kontra Covid-19, ipinag-utos naman ngayon ni Pangulong Duterte sa mga opisyales ng barangay na turukan ang mga ito habang natutulog.

Nag-volunteer pa si Duterte sa pagtuturok ng bakuna kahit hirap na itong maglakad at balansehin ang sarili dahil sa katandaan sa edad na 76.

“Magpabakuna. Alam ko marami pang ayaw eh. Iyan ang problema ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin ‘pag tulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ‘yung istorya. Eh kung ayaw, eh ‘di akyatin sa bahay eh, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano, I will lead the journey,” ani Duterte. 

Nagpaliwanag rin ang Pangulo ukol sa kanyang mga sinasabi at inaasta, gayun rin sa madalas na pagmumura nito sa kanyang mga television broadcast. 

“Alam mo every time magsalita ako dito, tatlong bagay lang talaga, kayong mga, lahat kayong mga Pilipino, makinig kayo. Parang galit ako na hindi ako galit. Iyong lahat nang pinag-uusapan namin dito, and all the hours of talking to you and presenting what is happening to our society can be best answered by tatlo lang eh, tatlo lang talaga: bakuna, magmaskara, iwas. That is all there is to it. Lahat nang pinagdadaldal namin dito would converge into one single sentence. Kaya ‘yan na lang ang ipagbilin ko sa iyo na sana sundin ninyo kasi ‘yan lang talaga ang pangpawala ng sakit ng ulo sa bayan natin,” wika ni Duterte. 

Siniguro rin ni Duterte na may sapat na supply ng Covid-19 vaccines ang bansa para sa lahat. “Mayroon tayong bakuna, marami nang dumating. Magpasalamat tayo kay (vaccine czar) Secretary (Carlito) Galvez, then may we make use of that so that you can help the country and our fellow human being,” sabi pa nito. (Mindanao Examiner) 



No comments:

Post a Comment