PATULOY NA lumulobo ang suporta ng publiko kay Mayor Beng Climaco na muling tatakbo bilang kongresista sa District 1 sa susunod na halalan.
Nasa ikatlo at huling termino na si
Climaco at sa loob ng kanyang panunungkulan ay marami itong nagawang pagbabago
sa Zamboanga City kung ihahambing sa mga nakaraang administrasyon.
Maging ang Pangulong Duterte at ang
Department of the Interior and Local Government at iba pang mga ahensya ng
pamahalaan ay kinilala at binigyan ng parangal si Climaco bilang pagkilala sa
kanyang maayos na panunungkulan at serbisyo sa Zamboanga.
Maging ang mga black propaganda at
fake news na ikinakalat ng ilang mga grupo laban kay Climaco upang ito ay
siraan ay hindi rin umubra dahil sa mataas na suporta at malaking tiwala sa
kanya ng mga Zamboangueños.
At dahil sa mga kasinungalingan na
ibinabato kay Climaco ay lalo pang tumaas ang bilang ng mga supporters at
followers nito sa kanyang Facebook page na ngayon ay nasa halos 375,000 na. Mas
malaki kahit pa pagsamahin ang mga Facebook pages ng mga pulitikong sina Celso
Lobregat at Mannix Dalipe na ngayon ay parehong tumatakbo bilang mayor.
Si Climaco ay nanilbihan bilang
councilor mula 1998-2004; vice mayor mula 2004-2007; at congresswoman ng
Zamboanga mula 2007-2010 at 2010-2013, bago pa man naging mayor noong 2013.
Wala pa itong talo sa eleksyon dahil sa taglay na kagalingan at sinseridad sa
serbisyo at kung tatakbo ito bilang congresswoman ay siguradong mananalo itong
muli.
Ang beteranong si Lobregat ay
tinalo ni Climaco noong nakaraang halalan. Tanging si Climaco lamang ang nakatalo
kay Lobregat mula ng ito ay naging pulitiko – mayor at congressman ng ilang
beses.
Suportado rin ni Vice Mayor Meng Agan
ang kandidatura ni Climaco. Si Agan ay tumatakbo rin bilang mayor sa Zamboanga.
Ikinatuwa naman ng mga taga-sunod ni Climaco ang desisyon ni Agan na suportahan
si Climaco. Todo naman ang pasasalamat ni Climaco kay Agan at sa grupo nito.
Sinigurado naman ni Climaco na
ipagpapatuloy nito at lalong pagtitibayin sa Kongreso ang kanyang mga
nasimulan.
Matatag pa rin ang Team Climaco,
ayon sa mayor at mananatili umanong prayoridad ang serbisyo sa publiko. “Team
Climaco remains strong, united and committed to continue to work hard in this
pandemic- to heal the sick and feed the hungry - na favor de Dios continua dale
curada, comida y busca vida na tiempo de pandemia. Ciudad antes de todo!”
(Zamboanga Post)
No comments:
Post a Comment