FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, April 10, 2022

Duterte, neutral pa rin!

‘Ngunit anak na si Sara, inindorso na’

CEBU – Muling inulit ni Pangulong Duterte na mananatili itong neutral at walang susuportahang kandidato sa pagka-presidente, ngunit inindorso naman nito ang sariling anak na si Davao City Mayor Sara Duterte nilang bise presidente.

 

“Ako, wala akong kandidato, hindi ako namumulitika, I’m just announcing. Wala akong kandidato ni sino man sa pagka-presidente. I remain neutral. Ang akin kasi eh presidente ako tapos magkampi ako ng isa, magdududa ‘yung iba, ginagamit ko ‘yung resources ng gobyerno, magulo na. If you are a president and you have the resources na nasa beck and call mo, ano man ang gawain mo mag-suspetya ang tao na ginagamit mo para sa isang kandidato. Even if it is not true,” paliwanag pa ni Duterte.

 

Nag-reklamo rin si Duterte na hindi na ito makapaglabas ng salapi dahil sa election ban.

 

Todo naman ang kampanya ni Duterte kay Sara ng ito ay bumisita sa Cebu at sinabing masipag at honest ang kanyang anak. Ito rin ang unang pagkakataon na inamin ni Duterte na ang suporta nito kay Sara ay bilang isang ama at nais umano nitong ipagpatuloy ng anak ang kanyang sinimulan. 

Akong anak modaga’g bise-presidente og inyong tan-aw nga...actually, this is the first time nga gigamit nako ang akong pagka-amahan nga, sa anak. Nagkuan ko eh, nakaagi’g samok. Pero anak is anak is anak. Pero maayo na si Inday (Sara) sa tinuod lang. Basta trabaho lang tinarong, maayo na si Inday,” wika pa ni Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na istrikto si Sara pagdating sa trabaho at tunay na maka-masa.

“You can’t crowd around waiting for her, you will be called one by one instead. But she will talk to you. And that's good, that's actually good. She can serve people in an orderly manner,” ani Duterte at pinayuhan pa nito ang anak na maging tapat sa bansa at taong-bayan. (Cebu Examiner)

No comments:

Post a Comment