FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, May 29, 2022

Pinas, nasa minimal Covid risk pa rin; monkeypox binabantayan na!

NASA MINIMAL risk pa rin ang bansa ayo sa data ng mga Covid-19 cases, ayon kay Health Undersecretary Dr. Abdullah Dumama Jr.

Sinabi rin ni Dumama na karamihan sa mga regions na nasa ailalim ng “minimal risk case classification” ngunit ang Regions III, V, VIII, XII, CARAGA, at BARMM ay nanatiling nasa “low risk classification.” 

Ngunit inoorbserbahan na umano ang mga region na nakapagtala ng positive rate sa loob po ng mga nakaraang linggo at ito ang NCR at ang Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VII, VIII, IX, XI, XII, at CARAGA. 

Ayon kay Dumama, nanatili pa rin na low risk ang healthcare utilization rate sa buong bansa bagama’t may konting pagtaas sa kaso ng Covid-19. Sa kabila nito ay bumaba rin ang Covid-19 mortalities sa buong bansa. 

Patuloy rin ang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagkalat ng Omicron subvariant BA.4 matapos itong makita sa isang returning overseas Filipino worker galing sa Qatar. “Patuloy na binabantayan ng ating Epidemiological Bureau at Regional Epidemiology and Surveillance Unit ang kaso,” ani Dumama at sinabing naka-recover na ang naturang OFW at mga nakasalamuha nito. 

Ang BA.4 po ay itinuturing na variant of concern ng European Center for Disease Prevention and Control dahil sa higher transmissibility at kakayahan na labanan ang immune protection ng ating katawan.

Tinututukan rin umano ng DOH ang monkeypox na kabilang sa Orthopoxvirus genus kung saan kabilang rin dito ang smallpox at isa itong re-emerging disease na nagmula sa West at Central Africa. 

Ipinaliwanag ni Dumama na ang unang kaso ng monkeypox sa tao ay naitala noong 1970 sa isang batang lalaki mula sa Democratic Republic of Congo. Ang monkeypox ay isang zoonotic disease na nagmula po ito sa mga hayop at karaniwan nito ay ang mga rodents at primates. 

Sinabi ni Dumama na bilang isang zoonotic disease, ang monkeypox ay puwedeng maipasa sa tao mula sa jayup at human-to-human sa pamamagitan ng droplets ng laway, body fluids o sa sugat at kontaminadong damit o tela. 

“Puwede pong kagat o bite ng human o scratches, animal to human, raw or minimally processed wild meat o contaminated materials. Karaniwang sintomas po ng monkeypox ay ang pagkakaroon ng lagnat, rashes at pamamaga ng lymph nodes, ‘yun pong mga kula-kulani. Maihahalintulad ito sa sintomas ng smallpox, maliban sa swollen lymph nodes. Ngunit ito po ay — sa kabutihang palad — medyo less contagious at less severe po. Kasalukuyang 12 bansa na po ang may pinakabagong kaso ng monkeypox,” wika ni Dumama. 

Kabilang sa mga bansang may kaso ng monkeypox ay ang Estados Unidos, Canada, Australia at sa Europe. 

Dahil dito, pinaiigting na ng DOH at iba pang ahensya ng pamahalaan ang screening process sa mga borders ng bansa upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox. (Mindanao Examiner) 



No comments:

Post a Comment